Chapter Two: Reminiscing, Letting Go, Starting New






Hani Brielle’s POV
               
               
Katatapos ko lang makipag-usap kay bhesky Dani.  Ang bruha hindi talaga maniwala na hindi ko siya nilakad kay Tita.  Kung sa bagay, looks fishy naman na naroon ako sa likuran ng aking tita noong mga oras na ‘yon.  Natakot kasi ako sa mga fans.  Eh, nakapila kasi si Dani! Kahit gustuhin kong i-VIP treatment siya katulad ng ilang starlets na nagtry out, alam kong kagagalitan lang ako ni bhesky.  Anyway, nagbunga naman ang apat na oras niyang pangangawit sa pila.

Kung alam lang ni Dani kung gaano ako kasaya nang makita siyang magperform noon sa stage.  Ramdam ko ang pagkawala niya sa entablado, eh.  She was just suddenly transformed into the star na nakikita ko simula noong nakita ko siyang kumanta mag-isa noon sa high school music room namin.

It was her personal moment at hanggang ngayon hindi ko sinasabi sa kaniyang nakita ko siya noon.  Siguro, iniisip ninyo mana ako sa tita Crystal ko... O sige na nga. Oo na! Pero ang BFF ko pa lang naman ang nakitaan ko ng ganoon, eh.  Never experienced it with others.  Kaya hindi pa rin ma-ensure kung katulad nga ako ni tita na may talent man-spot ng mga potential stars.

Balik tayo...

One-hundred percent! Wapak! Plangak! Tumpak! At siya nga ang nakuha bilang Sierra.  And now... (mwahahahahaha!) Manigas ang Jade na ‘yon.  He was trying to call me the other day at tinatanong si Dani.  Ang ambisyosong froggy! Gusto na ata makihati sa fame ng aking best friend. 

Well, scratch that folks.  In fairness naman talaga, hindi naman ganoon si Jade.  Naging friend ko naman ang froggy na ‘yon.  Galing naman kasi siya sa isang simpleng pamilya—mas simple pa sa family ni Dani.  Kung hindi ko BFF si Dani, go naman ako sa pangarap noong tao.  Kaso nag-ala amazona ang Yours Truly dahil nakita ko kung paano nadurog si Dani-bhest.   So sinagot ko na lang siya ng classic na, “Stay away from my best friend!”  Cliche na? Pero may effect pa rin naman ang mga ganoong linya, di ba?

I’m hoping that he stays away, but I’m hoping against hope yata.  I heard from one of my former college classmates na may balak bumalik na itong si Jade.  Echoz niya lang! Susulsulan ko nga ang aking diosang tita na magbigay na rin ng body guards for my BFF.  Sobra ba? Logical pa rin naman. She’s gonna be a star kaya dapat VIP treatment.

At—aaaaaaaagh!—si Fafa Erik mukhang interested sa beauty ng aking bhesky! How cool is that, huh? Oha-oha! I smell something pero hindi fishy ‘yun! I smell... L-O-V-E!  Kinang pa lang ng mga mata nitong si Erik alam ko na na na-fall at first sight siya.  Well, sana nga lang, ha.  Tall, dark and veeeeery handsome itong pop icon na ito.  Choosy pa ba dapat si bhest? Naku ha,  kung type ko lang si Erik, eh ako na lang! Pero as usual, wala kasi ang hinahanap kong spark. Malaking factor ‘yun for me. Aminado naman akong hopeless romantic.

Isa pa itong si Fafa Jace.  Mestizo, matangkad, super ganda ng boses na nakaka-in love at grabe rin magmahal.  Naku, ha, super ang pagka nito kay Selena. Super OA ang pagmamahal.  Kahit tapos na sila gravah pa rin ang paghahabol!

Ay teka... Tama ba ang nakikita ko ngayon? Kaya pala naisip ko bigla ang isang Jace C.

Folks, ang alam ko narito ako ngayon sa set namin ng Little Bride pero bakit narito ang very fafable na si JC “Jace” Crawford? Saglit nga...

“Oh, Jace... ano payag ka na ba? Ikaw na lang ang hinihintay namin.” Si Direk Lois ang kausap ni Fafa Jace.

“Pumayag na po ba si Brielle?” tanong naman nito.

Ako raw? Bakit ako ang kasama nito kumanta ng OST? Di ba dapat si Selena? Hmmmm....

“About that... Matigas ang ulo ng batang ‘yan.  Ewan ko ba kung bakit tinatago ang boses.  Siya naman talaga ang first choice para kumanta sa female part.  Eh, siya ang bida kaya mas swak kung voice niya rin, di ba?”

Tumango bilang pagsang-ayon si Fafa Jace! Pagka-isahan ba ako?

“Ganito na lang Jace,” patuloy ni Direk, “why don’t you convince her? Kilala ka naman sa charm mo eh.” Sabay kindat pa sa singer.

“I’ll try my best.”

And here he goes... Oh em gee! Papunta na here sa dressing room! Maka-upo na nga.  Kunwari hindi ko alam.  

Ano nanaman ito? Bakit ba kasi hindi nila ma-gets na ayaw kong kumanta? Kaya nga kinulit ko na lang si tita para si Selena na lang ang kumanta eh.  Ito namang si Direk kesyo mature raw masyado ang boses ni Selena.  Sana daw ‘yung hindi malalayo sa boses ko. Ano kaya ang ibig sabihin niya roon? Matining? Pang-anime? Cutie-pie?

Ting! Light-bulb!

Okay, alam ko na kung sino.  Hahahahaha! Alam kong a-agree rin sa akin si Jace. He better agree kung hindi, patay siya sa akin!     

===============================================================


Lumabas si Danielle ng balkonahe ng kaniyang kwarto.  Bilog pala ang buwan at napakaliwanag nito.  Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay.  Katulad ng nakagawian niya sa tuwing nalulungkot siya at nakikita niya ang kulay pilak na perlas ng gabi, itinataas niya ang kaniyang kanang kamay.

“Mommy... Daddy... ayos lang po ba kayo d’yan?”

Sa murang edad na bente uno, marami na palang nawala sa kaniyang mahahalagang tao.  Ang mommy at daddy niya namatay a year before her college graduation (nineteen years old lang siya noon).  Bumagsak ang eroplano nila on their way to Australia.  Kinailangan niyang isantabi ang malalim na pagluluksa para matapos niya ang kaniyang last year in college.  Deep inside kasi, alam niyang magagalit sa kaniya ang kaniyang mga magulang kung magpapakalugmok lang siya sa lungkot. Nakaya niya... kinaya niya ang lungkot with the help of Jade and Hani.

A year after that, iniwan naman siya ni Jade.   ‘Yun ang naging breaking point niya.  Parang lumabas din ang nakatagong depression niya gawa ng pagkamatay ng kaniyang mga magulang.  Nagkahalo-halo na ang mga negatibong emosyon at maging si Hani ay nahirapan siyang abutin.  She just withdrew from everything.

Noong una maraming concerned but as months passed by, their numbers dwindled until si Hani na lang ang natira.  Si Hani ang nagtiyaga sa kaniya maki-iyak, mag-reminisce ng good old days, maki-iyak ulit.  Pero nang napagdesisyunan nitong kailangan na ni Dani alisin ang sarili sa kalungkutan, hindi ito nagdalawang isip na gawin ang nararapat. Naaalala pa niya ang araw na ‘yon.

Saktong alas otso narinig niya ang malakas na pagbukas ng pinto ng kaniyang kwarto.  As usual, kilala na niya kung sino ang mahilig sa dramatic entrance. Si Hani.  Nagtago siya sa ilalim ng makapal na kumot.  Pero nagulat siya nang marinig ang paghawi ng mga kurtina at halos kasabay nito ang pagtagos ng liwanag sa kaniyang pinagtataguan. 

Umungol pa siya bilang pagreklamo bago hinablot ang unan, only for it to be snatched away again. Kukuha pa sana siya ng isa pa  pero wala na siyang makapa.  Mamaya pa’y maski ang pinagtataguan niya’y nawala sa kaniya at narinig niya ang buo at matigas na boses ni Hani Brielle.

“Tayo!” Ang best friend niyang kadalasan ay cute in all angles ay nagkaroon ng boses ng isang golem! Napatayo siya sa sobrang pagkabigla.

Bumungad ang nakapamewang na si Hani.  Hindi na ito cute dahil nanlalaki na ang mga mata nito at nakasimangot pa.

“Hani... bakit ba? Gusto ko matulog,” reklamo niya nang makabawi sa pagkagulat.

“No.  You’re not getting back to sleep, Daniella.” Noted ni Dani ang sobrang “A” sa dulo.  Galit nga ang kaibigan.

“We’re going to prepare breakfast. Kakain tayo. Aalis ng bahay. Mamamasyal. And we’re going to LIVE-OUR-LIFE!”

Napanganga siya sa utos nito. Sasagot pa sana siya kaso pinutol ito ng maliit na bruha.

“Kitchen. Five minutes at walang sobra.” Sabay talikod para pumunta sa kusina.

Sinapo ni Danielle ang kaniyang ulo.  Hindi naka-dress ang kaniyagn kaibigan noon.  Naka-itim itong jeans, black and white tee, Converse sneakers and pony tail. Gagala nga sila.
               
Extra effort ang pagpunta niya sa banyo para maligo pero natulungan siya ng tubig para magising at bilisan ang kilos.  Something was telling him na delubyo kapag na-late siya.

Wala pang five minutes nasa ibaba na siya at padabog na umupo sa harap ng hapag.  Naka-maong shorts siya, black t-shirt, striped na black and white na medyas at sneakers.  To top it all, naka-black shades siya dahil gusto niyang itago ang mala-panda niyang mga mata na maga sa pag-iyak at puyat.

“Ano ‘yan? Emo? Magpalit ka ng get up. Something happier.”

“Oy, OA ka na, ha.” Pero sumunod na rin siya dahil matalim ang tiger-look na tugon nito.

After five minutes ulit, nakasuot na siya ng pink na top, may kaunting make up at lip shimmer. Naka violet siyang jeans, pink and white na Adidas at mataas ang pony tail.  Sinamahan na niya ng pilit na ngiti at pag-ikot habang sinisipat siya ng kaibigan mula hairdo hanggang rubbershoes.

Satisfied, pinaupo na siya ni Hani at hinainan ng kaniyang paboritong pancakes na may kasamang Swiss butter at maple syrup.  Biglang kumulo ang tiyan niya at narinig ‘yon ni Hani.  Dahil si Hani ay natural na masayahin, narinig ni Dani na kumawala na rin sa wakas ang matitining nitong halakhak.

That breakfast was the first of the many breakfasts na kasama niya si Hani at minsan kasama pa ang mommy nito.  Occasionally din, nagko-cross over siya sa bahay ng mga ito for dinner.  For short, para na siyang ampon ng pamilya Tejada.  Dahil sa walang kapatid si Hani, very much welcome ang presence niya sa bahay ng mga ito, lalo na sa daddy ni Hani na si Raymond dahil may kalaro na ito sa favorite board game na chess.

“You know, hija,” wika nito minsan.  “I would love you as a daughter.  My Brielle is her mom’s daughter, halos walang namana sa akin. Pero ikaw... kung hindi lang sa dugo, mapagkakamalang anak kita.”

“Oh my gosh, daddy! Hindi kaya anak mo si Dani. I heard pa naman dati tinutukso siyang ampon ni tito Armand.”  May pagka-intregera talaga si Hani.

“Tumigil ka nga, Brielle. Mamaya maniwala ang mommy mo, sipain pa ako palabas ng bedroom mamya.” Sabay kindat nito sa asawa na nangingiti lang.

“Why don’t you stay with us na lang, hija?” Sundot naman ni Amanda, ang mommy ni Hani.  Excited ito sa prospect na dalawa na ang gagayakan niya at ipagsho-shopping ng mga damit.

Napaisip si Dani roon. Wala nga naman siyang kasama sa bahay nila.  Hindi siya nag-imbita ng kamag-anak kahit malaki rin ang kanilang bahay dahil hindi naman ito close sa kanila.

“Think about it, hija. You can keep your house pa rin naman. That’s all yours.  Hindi lang kami mapalagay ng tita Amanda mo dahil nag-iisa ka roon. Checkmate.”

Napa-palm-face si Dani.  Hindi niya kasi tukoy kung ini-stall lang siya o nilito ni Tito Raymond para matalo siya. 

In the end, hindi natuloy ang paglipat niya dahil sa naging resulta ng audition.  Gayumpaman, nag-insist si Tita Amanda niya na magpadala ng makakasama niyang kasambahay.  Ipinadala nito ang isa niyang pinagkakatiwalaang katulong na si Nanay Mina.  Nasa late thirties na ito, masayahin din at para niyang nanay. 

Noong una, nahihiya si Dani sa mommy ni Hani dahil ito ang nagpapasahod kay Nanay Mina.  Pero nakahinga siya nang maluwang dahil malapit nang siya ang magpapasahod dito. 

Tama, bulong ni Dani sa sarili, I need to let go and start anew!

“Kaya ko ‘to!” sigaw niya sa buwan.

“Mommy... Daddy... kaya ko po ito. ‘Wag na po kayo mag-alala sa akin!”

Nang gabing ‘yon, mapayapa ang tulog niya.  Napanaginipan niya na masaya siyang kinakausap ng kaniyang mga yumaong magulang.  Buhay na buhay sila sa panaginip ni Dani.  Pinaalalahanan siya ng mga ito na palaging mag-iingat at piliin ang maging masaya.  Hiniling din nilang pasalamatan ng kanilang anak ang mga taong nagmamahal at nag-aalaga rito.

“And tell Hani na mag-iingat siya,” paalala ng kaniyang mommy.  Napakunot ang noo niya dahil sa mga sinabi nito.  Tatanungin pa sana niya kung hindi lang may yumugyog sa kaniya para magising siya.

“Rise and shine, bebe gerl.”

Napabalikwas siya at muntikang mauntog sa noo ng best friend.

“Uy! Muntikan na ako magkabukol, ha.”

Rumehistro ang mukha ni Hani sa harapan niya.  May gusto sana siyang sabihin pero nakalimutan niya kung ano ito. 

“Ah, e... pa... teka bakit nandito ka?” Tuluyan na nakalimutan ni Dani ang sasabihin.

Pinanlakihan siya ng mga mata ni Hani, at dahil doon ay naalala niya na may shopping nga pala sila nito. 

“Sorry, kagigising lang eh.  Di ba pwedeng slow muna ang utak sa morning?”  Tumayo si Dani at dumiretso sa banyo para magsepilyo. 

Sumunod sa kaniya si Hani at di siya tinantanan ng dakdak. “You should do something about your figure, Dani.  Masyado kang slim.”

At napansin pa nito ang figure ko, naisaisip ni Dani. Tinapunan niya ng makamandag na tingin ang kaibigan.  Sinasabi nitong, “Get lost!”  Pero as usual, tinuon ni Hani ang pansin sa sariling mga kuko habang nagpatuloy sa pagdaldal.

“Ilagay natin sa schedule mo ang yoga in the morning kaya sasabay ka na sa session ko with my instructor.  Doon tayo sa bahay para mas malawak ang space.”

“Terrka... bherrrst narman er...” Masakit sa tenga ang boses niya kaya agad siyang nagmumog.  Nang handa nang makipag-sparring ng mga salita, tinodo na niya.

“Okay naman ang figure ko ah.  Marami ngang naiinggit kasi ito ang in di ba? Tiyaka bakit ikaw ang aayos ng schedule ko, bhest? Hindi naman ikaw ang manager ko.”

“Excuse me Danielle Mendez... pasalamat ka nga inaalalayan kita ‘no!”

“Oo nga... and I’m thankful kaso naman, bhesky...”

“Okay, alright! Aamin na! Si tita... gusto niyang imentor ka. At dahil sa wala siyang masyadong sched ako ang inuutusan niya ng mga dapat mong gawin.  Kaya naman... you need to follow my orders kasi those are my tita’s orders.”

Hindi makapaniwala si Dani na si Ms. C ang nagpapasabi nito sa kaniya. Eh, parang si Hani lang ang may gusto eh.

“Don’t look at me like that.  Given na push-over ako pero promise,” tinaas pa talaga nito ang kanang kamay bilang panunumpa, “si tita talaga ang nagsabing i-guide kita.”

Napabuntong-hininga si Dani.  Ano pa nga ba ang magagawa niya? Maski utak niya nagsasabing umpisa na ng pagbabago ng buhay niya.

“So dalian mo na dahil kailangan nating makapamili ng damit mo. First stop natin ang stylist ko.”

“Whaat?! Si Peyton Cruz? Teka Hani, di ko kaya ang fee niya.”  Nalulula siya sa fee nito at ayaw niyang magka-utang bago pa man kumita.

“No worries,” at tumikhim pa ang kaniyang artistang best friend.

“Si tita na rin ang bahala ron.”

Nagkibit-balikat na lang si Dani.  Wala naman siyang magagawa kahit magprotesta. Nasa mahigpit na mga kamay siya ng magtitang sina Hani at Crystal.  Napatingala siya sa langit habang bumubulong na iligtas sana siya ng mga anghel sa mga diktador.

Alam ni Hani ang ginagawang ni Dani at ang dalangin nito kaya itinulak niya ito para itigil iyon. “Alam mo, just be thankful kay Papa God at may mga angels kang kasing ganda namin ng tita ko.”

Katulad ng dati, inirapan lang si Hani ng kaniyang best friend.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Halos malula si Dani sa presyo ng mga damit na sinukat niya.  Dati-rati kapag si Hani ang nagsusuot nito, dedma lang niya kung ano ang nakalagay sa tag.  Mayaman naman kasi ang kaniyang best friend.  Bukod sa yaman ng mga magulang nito, buhay na ito sa mga talent fee niya.  Pero iba naman ang usapan ngayong siya naman ang nagsusukat at siya ang bibili.

“Itong coral pink na may cowl neckline, mas lutang ang ganda ng bhest ko rito.  What do you think Ms. Peyton?” Naririnig niya na rumaratrat ng kaniyang opinyon si Hani. 

“It looks good.  As usual, iba talaga ang taste mo Brielle, dear.”  Maliit si Peyton Cruz para maging modelo pero kung ano ang kakulangan nito sa height ay inilagay naman nito sa taste niya sa mga damit.  Kaya nga naging stylist ito at kasulukuyang ginagayakan ang mga kilalang personahe sa Pilipinas from models, politicians at actresses.

Nagtawanan at nag-apiran pa sina Hani at Peyton kaya nagkasya na lang si Dani sa pag-iling.  Kapag nagsama ang dalawang ito, parang SM ang mundo.  Nagkasundo sa mga magagandang damit at girly things!

“Oh, wag ka nang sumimangot, Danielle, at mawawala ang ganda mo,” saway ni Peyton kay Dani.

“Tayo nang tuwid... okay... ikot.”

Katulad ng isang de makinang manikin, sinunod ni Dani ang lahat ng pinag-utos sa kaniya ni Peyton.  Bago mananghalian, nagkasundo ang lahat sa coral pink mini-dress na may cowl neckline.  Ayon kay Hani na sinang-ayunan din naman nina Dani at Peyton, the color brought out Dani’s fresh look.  Konting blush-on lang daw ang kailangan at kaya na nitong mag-go sa kahit anong okasyon. 

Noong una naiilang si Dani sa pagkaplunging ng neckline but nang ipakita sa kaniya ni Peyton kung paano ayusin at dalhin ang sarili, nagkaroon na rin siya ng confidence.  Isang pares ng teal-colored closed shoes with stilleto heels ang ipinares para sa kaniyang outfit.

“Bhesky, baka naman  magkanda-ika-ika ako nito mamaya,” puno ng pag-aalangan ang boses ni Danielle kaya napatingin sa kaniya si Hani.

Bumuntong-hininga muna ito bago sumagot.  “Alam mo, bhest, nagpapapangit sa isang babae ang di pagtitiwala sa sarili.  Tingnan mo ako... maliit lang ako pero kung tingnan nila ako matangkad kasi araw-araw nagrerehearse ako na hindi ko kakulangan ang pagiging maliit. Pinapaniwala ko ang sarili ko na mas mataas din ako. Tingnan mo...tingnan mo.”

Natawa si Dani dahil tumingkayad pa talaga si Hani just to prove her point. 

“Kung sa bagay, may point ka.”

“Asus! Naman!  At saka, let me warn you.  May pagka-bitch ‘yang si Selena.  Lalo na’t alam niyang ikaw ang apple of the eye ni tita.  Kung ako nga minsan di niyan pinapalampas eh. “

Napalunok ng laway si Dani. 

“Bakit naman niya ako aawayin, eh, hindi naman ako threat sa kaniya.”

“Ah-ah!” Mataas ang tono ni Hani. “Anong hindi threat? With your voice? At sinamahan pa ng age? And that fresh aura? Gosh, girl, sometimes you can be so dense!”

Nagpatuloy pa si Hani. “It’s just a matter of time para ikaw naman ang ilagay ni tita sa spotlight.  And believe me, malapit na ‘yon.  Besides, maraming umaayaw makatrabaho si Selena dahil diva-divahan ang peg niya.  Maski endorsements niya kumokonti.”

“Eh kaya ka pala niya pinag-iinitan kasi ikaw ang kumukuha ng endorsements niya,” biro naman ni Dani at natawa sa kunot ng noo ng kaibigan.

“Kung sa bagay, karamihan nga ng mga commercials niya napunta sa akin.”

“Hay, don’t worry, joint forces na lang tayo mamaya kung sakaling awayin tayo,” suhestiyon ni Dani na nakapagbalik ng ngiti ni Hani.

“’Wag na lang natin patulan. Kawawa naman eh.”

“Basta behave lang tayo.”

“Naman! Sa mga ka-close ko lang naman ako nagbabakla-baklaan eh.”

“Pansin ko nga. Kapag nasa public ka, para kang cute na snob na di ko kilala.”

Tinawanan na lang nila ang kanilang mga alalahanin.  At dahil sa malapit na ang pananghalian, they’ve decided to eat sa pinakamalapit na restaurant.  Sa sobrang dami ng kanilang daldalan, hindi napansin ng dalawa na hapon na pala kaya.

“Tara na.  Our next stop is mani-pedi and hair spa,” yaya ni Hani.

Masaya pang nagtatawanan ang dalawa kaso biglang hinablot ni Hani ang kaibigan para magtago.  Nanlaki ang mga mata ni Dani dahil nakita nila si Jace at Selena na nag-aaway sa isang secluded na part ng restaurant.  Mabuti na lamang at may mangilan-ngilan lang na kumakain noon. 

Walang umawat sa dalawa.  Libreng entertainment nga naman.  Walk-out si Selena at dahil dito nangiti si Hani.  Sakto ang timing na ito para sa kaniyang naisip.  Naghintay lang siya ng ilang segundo pa bago hinatak ulit si Dani at umarteng wala lang. 

Nang mapatapat siya spot kung saan obvious ang presence ni Jace, nagkunwari siyang nagulat na nakita ito roon.

“Jace!” Pinuntahan niya ito at bineso-beso.  Hindi niya raw pinansin ang stressed out demeanor ng singer.

“So good to see you here. Look who’s with me,” at prinisinta niya ang kaibigang namumula naman sa likuran.

“Brielle, I think...” Alam ni Jace kung ano ang gusto pag-usapan ni Brielle pero wala siya sa  mood.

Lumapit naman si Dani kahit nag-iinit ang kaniyang pisngi.  Anong iniisip ni Hani para lapitan pa ang kagagaling lang sa eskandalong si Jace?

“Uhm, hi, Jace.” Tipid na bati ni Danielle.

“Actually, Dani, Jace is going to ask you something na mahirap tangghihan. Tama ba, Jace?” singit ni Hani, keeping the pace as not to let Jace off the hook.

Tumikhim si Jace bago nagsalita.  Hindi naman siguro nakita ni Brielle ang eksenang iniwan ni Selena with him.  Besides, gusto na niyang mag-umpisa sa recording kaya game siya na kausapin ang bagong miyembro ng Crystal Prowess.

Umupo si Hani at sinenyasan si Dani na umupo na rin.

“Ah, yeah, Danielle.  I need to ask you a favor for the production of Little Bride OST,” Umayos ng upo si Jace, still nilalabanan ang umaapaw na frustration.

‘Yan ang gusto ni Brielle kay Jace. Straight to the point, walang patompek-tompek.  Samantala nakita niyang literal na napanganga ang kaniyang BFF kaya sinapo niya ang baba nito sabay tulak pataas.

“Nasabi ko na sa ‘yo, bhesky, di ba? Na naghahanap kami ng female singer para maka-duet ni Jace? Oh, malaki ang recommendation sa ‘yo ni Mr. JC Crawford! This is it, bhesky! This is your very big break!” At hyper nanaman si Hani Brielle.

Dahil sa nakaka-good vibes si Hani, nakalimutan saglit ni Jace ang negative emotions na binigay sa kaniya ni Selena.  Napa-isip tuloy siya kung bakit hindi katulad ni Hani ang taste niya sa mga babae.

“Very tempting ang offer, Hani, pero di ba dapat i-consult muna natin si Ms. Crystal about this?”

Si Jace ang sumagot. “Actually, nasabi ko na kagabi kay Ms. C ang tungkol dito and she gave the go signal.  I’m pretty sure sasabihan ka niya on our dinner tonight.”

“Eh, teka... bakit ako? Wala na bang iba?”

“Si Br-“ Sasabihin sana ni Jace ang tungkol kay Brielle but the petitle actress beat him into it. 

“Actually, si Selena dapat ang kakanta but Direk Lois is finding her voice more mature.”

“Oh, eh, ikaw?”

Bingo! Good question ang itinapon ni Dani sa direksiyon ni Brielle, sabi ni Jace sa sarili.  Maski siya hindi maisip kung ano ang rason sa likod ng pag-ayaw ni Brielle na kantahin ang OST ng sarili nitong pelikula. The girl is truly unpredictable!

“Good question,” segunda ni Jace.

“Are you both for real? Madami akong schedule no.  In fact, I’ll be in a tour next month.”

“That could be adjusted naman, ah, according to your manager.  Ikaw lang ang ayaw talaga.”

At nanlaki ang mga mata ni Hani.  Hindi niya expected na magaling mangalkal ng background info itong si Jace.  Talagang kinonsulta ang kaniyang manager.

“Okay, I give up!”  Kailangang itodo ko na ito! Wika ni Hani sa sarili.  “Ang totoo I can’t bear to sing the song dahil broken-hearted ako.  Binasted ako ni Trev!”

Nakuha pa niyang maging teary-eyed.  So ito talaga ang napili ng utak niya maging random answer sa tanong na ‘yon?  Hindi ba pwedeng kinuha ng tooth fairy ang boses niya? O isinumpa siya ng isang bruha na hindi makukuha ang boses niya hangga’t di niya nahahalikan ang tunay niyang Prince Charming?

Napaismid si Dani samantalang nasamid ng iniinom na iced tea naman si Jace. 

What? Ganoon ka-lame ang dahilan niya? Tanong ni Hani sa kaniyang sarili.

“Grabe naman ang mga reaksiyon niyo, guys.” Himig pagtatampo pa niya.

“Well, I was just thinking na you’re too professional para sa ganiyang dahilan.”

Ito talagang si Jace, napakaprangka. 

“Ano ka ba? We’re talking about the song here.  Dapat inspired with love and hindi heart-broken ang kakanta.”

At dahil dito biglang natahimik na lang ang atmosphere.  Napatingin sa lamesa si Jace samantalang siningkitan siya ng mata ni Dani.

“Ay naku, Jace, basta. Convince my bhesky here para matapos na ang usapan dahil may mani and pedi session pa kami.”

So back to work mode si Jace.  Summoning his charm, tiningnan niya square sa mga mata si Danielle at tinanong ang isang romantic-sounding na tanong.  Sure siya na makukumbinsi niya ang dalaga in ten seconds.

“So, Danielle, can you be my duet?”

It sounds like a marriage proposal kahit sa pandinig ni Hani na nakapagpakilig dito. 

“I’ll think about it.”

Basag!

Sumosobra na ang lamat sa male ego ni Jace sa araw na ‘yon.  Una si Selena at ngayon naman itong si Dani.  What’s wrong with the world? Sure naman siyang guwapo pa rin siya.  As much as his fans are concerned, siya pa rin ang mala-Adonis na sinasamba ng Pilipinas.

“Bhesky!”

“I have to talk with Ms. Crystal about this.  Kaya mamya naman masasagot ko rin.”  Aminado si Dani, nawindang siya sa tanong ni Jace.  He made it sound like a romantic proposal pero she’s done with the likes of this manwhore (manwhore talaga!).  Tapos na siya sa mga katulad nitong ginagamit ang charm para paikutin ang mga babae.

Madali lang naman siya kausap.  Actually, kung ni-retain ni Jace ang professional tone niya na ginamit noong umpisa, papayag naman siya.  Kumambyo pa kasi sa strategy.

“We’ll talk tonight Jace, but right now, we have a schedule.  Let’s go, Hani.”

Naiwang pailing-iling si Jace.  Hindi niya akalaing may isang babae ang di makukuha ng pamatay niyang charm.  Si Selena nga noong una hindi nakaligtas.  Nagsawa na lang ito sa kaniya kaya ngayon natatanggihan na siya pero iba si Danielle.  Idagdag pa ang very willful na pamangkin ni Crystal Permejo.

“Talaga palang may ganoong mga breed,” bulong ni Jace habang pinipirmahan ang kaniyang bill.  He gave a handsome tip hindi dahil sa eskandalo nila ni Selena half an hour ago pero dahil sa dalawang babaeng nagpaigting ng kaniyang interes.  Ngayon na lang niya ito ulit naramdaman.

Pasipol-sipol pa siya papuntang sasakyan niya.  Good vibes na siya para sa party mamaya at hindi niya namalayan, excited na pala siya for that night.



No comments:

Post a Comment