Chapter Six: Game of Hearts




Danielle's POV


Kinakabahan ako para sa dinner kahit pa ineenjoy ko ngayon ang pagsho-shopping at bonding naming apat nina Jace, Erik at Hani-bhesky.  Lalo akong nagiging at ease sa dalawang guys.  Para ko lang silang kuya kahit may konti pa rin akong pangingilag kay Erik. Shoo! ko na 'yun away.  Mabait naman kasi 'yung tao.

In between sa pagnguya namin ng pizza at salad, ikinuwento ni Erik ang personal background niya.  Nalaman kong ulila na rin siya.  Bata pa raw siya nang mamatay ang mga magulang niya at tanging ang lolo at lola na lang niya ang nag-alaga.  Namatay na rin daw two years ago ang lolo niya kaya tanging sila na lamang ng lola niya ang magkasama.

Supposedly, serious ang mga ganoong convo pero ligh-hearted lang ang tono niya with the story of his parents but when he shifted to his lolo’s, halatang pinaglalabanan pa rin niya ang namumuong pait sa lalamunan.  Panay ang tikhim niya, eh.  Kung sa bagay, ako rin pinahapyawan ko rin lang ang kwento about my parents lalo na ang tungkol sa kanilang aksidente.  Until now, very raw pa rin ang mga sugat. Alam ko namang naiintindihan ‘yon ng kausap ko. 

Sa isang sulok ng fast food na kinakainan namin, may  mga echuserang froggies na pilit na tinitingnan kaming dalawa beneath our disguises.  On my part, todo na ang arte kong maging normal, pero bilib ako sa kasama ko. Di man lang pinagpapawisan ang upper lip.   So far, wala namang naglalakas loob lumapit.

Ang tagal kasi ni Hani.  Sa sobrang sakit na ng paa ko kakaikot ng buong SM para lang sa sapatos ng bulinggit kong BFF, umungot na talaga akong umupo na talaga.  Naisipan ni Erik na humanap na lang kami ng fast food na mapagkakainan ng merienda at heto nga kaming dalawa.  Nagkakuwentuhan ng family matters while munching snacks and sipping wintermelon. 

Nasa kalaitnaan din ako ng half muni-muni kung nasaan na sina Hani at Jace nang biglang nagvibrate si phone.  Nakita ko agad kung sino ang nagtext.

"And the little devil did text," I muttered under my breath, not meaning to let the guy sitting across me hear it.  Pero may superhearing ability ata itong si Erik dahil nangiti siya sabay iling.

Whoa! Tumitingkad ang kaguwapuhan ni Erik kapag ngumingiti pala siya sa ganoong style.  'Yung nakataas lang ang kabilang gilid ng mga labi niya. May naalala akong Korean actor, eh. Hawig niya at pareho sila ng lips talaga, promise! Hindi ako fan ng Korean soap pero tanda ko ‘yung about sa love story between alien at super star.  ‘Yung bidang lalaki doon, siya ang kahawig ni Erik.  Cute, right?

Catch up with you.  Pinagkakaguluhan kami ng mga sales ladies. (Text ni Hani.)

At nagreply ako.

Binuka mo nanaman ang bibig mo kaya nahuli kayo no?

Reply ni BFF Hani:  o__O What?! I did not! Si Jace ang umepal.

Reply ko:  Bakit?

Text back niya:  Inalis 'yung shades at nginitian ang mga girls para lang ilabas ang stocks ng 4.5 sandals.

My only reply:  'Yun lang. ;)

Sagot ni Hani: Sasamantalahin ko na nga, eh.  Binili ko na ang lahat ng gusto ko. Ang gaganda kaya ng mga designs.

Hindi ko na sinagot.  Ni-relay ko na lang kay Erik ang nangyari kaya agad niyang binunot ang phone niya sabay senyas na huwag daw ako maingay.

“Watch and learn about team work,” sabi niya.

After—what might be—three rings nagsalita na Erik. “O, pre, just called dahil sabi ni Hani dinudumog daw kayo?... Uhuh, dito nga.... Sige alam mo na ang gagawin.”

Pagkababa ni Erik ng phone, tinaasan ko lang siya ng kilay sabay tanong, “’Yun lang ‘yon?”

Isang tawa lang ang sinagot ni Erik sabay  abot sa pisngi ko.  Marahan niyang pinunasan a ng kung ano mang mumo sa gilid ng aking labi gamit ang kaniyang hinlalaki.  The caress sent tingling sensation in my whole anatomy, making me shiver visibly. “Para kang bata.”

I know ramdam niya ang reaksiyon ng katawan ko dahil nag-iba ang focus ng mata niya. He’s holding my gaze at ako nama’y parang na-hypnotize na ibon sa ahas. “Yung katulad ng napapanood ko sa cartoons noong bata pa ako.  I know pinamulahan ako ng mukha—as in mukha at hindi pisngi—di dahil sa may nakitang ligaw na pizza sauce or ingredient sa mukha ko kundi sa sweet gesture na ‘yon ng sira-ulong si Erik. Given na sweet talaga siya.  Pansin ko naman ‘yon, pero kasi HANG GWAFU. Sa sobrang gwapo, nakaka-kuryente na!  Akala ko pa naman immune na ako but this... this proved me wrong.

Una akong nagbaba ng tingin kaya he took it as a cue na alisin na ang kamay niya sa pisngi ko.  Agad niyang inabot ang kaniyang winter melon, humigop at ibinaling ang tingin sa counter isang sulok kung nasaan ang aircon.  Pinagtuunan niya ito ng pansin as if interesting specimen ‘yon.

AWKWARD...

Medyo matagal din bago ako tumikhim at nagtanong kung parating na ba sina Jace at Dani.  At least that broke the awkwardness of the situation.  Usap na lang ulit at nagbigay siya ng mga tips about singing on stage pati sa acting. Bumalik kami sa maayos na mood, although aminado ako na at the back of my mind, di ko maialis ang picture na iniwan ni Erik just a few moments ago.

Mga trenta minutos pa nang nakapunta sa amin ang dalawa.  Agad silang umorder ng inumin dahil uhaw na uhaw na raw sila.  Ba naman! Siguradong dineposito muna nila sa sasakyan ang mga pinamili ni Hani bago bumalik dito. 

Nang makapagpahinga na ang dalawa, nag-umpisa na kaming magplano para sa magiging "gimik" namin ni Jace.  Natural, kinakabahan ako at di ko rin maiwasang isipin  'yung sinabi ni Erik na papaano kung nadedevelop si Jace kay Hani. Kanina ngang nag-offer siya samahan si Hani, nakita ko ang fleeting hesitation ni bhest.  Kung hindi lang masakit ang paa ko, titiisin ko pa pero kilala ko si Hani kapag naghahanap ng sapatos niya.  For me, very gentlemanly naman ang ginawa ni Jace na samahan si Hani at wala ring masama roon. 

Can you keep a secret? Kasi, ang totoo, mas gusto kong maging sila dahil deserve naman ni bhest ang ganoong mga lalaki-- maginoo, gwapo, sensitibo, gentleman at higit sa lahat... matangkad! Hahahaha!

Kaso nga lang, as usual, walang time (or binibigay na opportunity para doon si Hani.)  Malakas ang vibes ko, friend zone si Jace. 'Yun lang!

"Nakikinig ka ba, Dani?!" Pinandidilatan na pala ako ng malalaki nang mga mata ni Hani.  Ang cute niya pa rin kahit ganoon. 

"Hehehe, ano nga ulit 'yon?" tanong ko kaya umani ako ng 'anak-ni-batman' expletive ni bulinggit. Lalo pa siyang nainis yata sa akin nang mapa-hehe lang ako.

"Basta the general rule is to tone down details.  Hindi dapat OA para walang dahilan si Selena magdiva-divahan or maghinala na nagdadrama lang si Jace na may bago na siyang pamalit.  Understood?"

"Hindi naman siguro nanunugod or nananabunot si Selena?" Wala akong maitanong na matino.  Mukhang plantsado naman na ang detalye.

"She wouldn't.  Di ganon si Selena.  Though expect word war from her.  Masanay ka na sa tension, clashes of wills and naguumapaw na venom from her ." Si Jace ang nag-offer ng information, maitaining a masked facade all the while.

"Oi, Jace... kalma-kalmahan ka 'jan!  Okay lang magmura.  Berks na kaya tay," sabi ko na lang sabay sapak sa likod nito.

Parang wala lang siyang naramdaman na may tumama sa likod niya.  “Ikaw, di ninenerbiyos? Sige ka baka mamaya di natin alam kung saan tayo dadalhin ng pagpapanggap natin,” pananakot nito sabay kindat at ngising parang lobo.  Nag-ala Superbass naman ang puso ko wiht his killer smile.

My heart, be still! I mean, kumalma ka!

Mukhang pahamak magkaroon ng mga sikat at heartthrob na friends.  Ngayon pa lang nilalamon na ako ng pagkapahiya sa aking sarili. Akala ko pa naman natuto na ako sa ex ko, akala ko pa naman immune na ako.   Sumasama na talaga ang loob ko sa sarili ko.

Hay naku! Basta ngayon, may mga bago akong friendship na mga katrabaho ko pa.  Later magiging okay na rin ako at masasanay na sa mga charms ng dalawang ito. Besides, ito rin naman ang gusto ni Ms. C.  Naalala ko pa kaninang madaling araw bago kami umalis.  Talagang she went out of her way just to say "keep safe" and "bond well" sa aming apat.  I thought I saw her eyes misted pero siguro groggy pa ako siguro (I'm not an early bird) kasi nga maaga pa masyado.

I bask at the peaceful aura of this new friendship.  Alam ko, deep within me that I will be safe with these people.  I'm in the right company, ika nga nila.  It's not because I'm with he uber-popular, but these people know the value of camaraderie or something much deeper than the word itself.

"Tara na.  Kailangan na nating maghanda."  Si Hani talaga mahilig magmando.  Di mapagkakailang may strong leadership skills siya katulad ng tita niya.  Anak ba talaga ito ni tita Amanda?  Tita Amanda who's gentle, lady-like at parang living descendant ni Maria Clara?  Spartan itong naging anak' eh. 

Walking back to our car, may ilang napalinga pero tuloy-tuloy lang kami.  Minsan nakikisundot ako sa usapan lalo na kapag nababanggit ang recording at start ng rehearsal for the Lonely Symphony.

Just to begin our practice as "couple" pinatabi na ako ni Hani kay Jace sa passenger seat.  Tiningnan pang masama ni bhesky si Erik nang mag-offer itong magmaneho, sabay singhal ng, “The idea is to make them comfortable as a couple.  Kinukundisyon sila, Erik... kinukundisyon!” Napa-iling na lang kami ni Jace with the drama.

Jace also brushed away the offer dahil love niya daw si Samantha, ang kotse siya.  Nakakagulat na malamang isa si Jace sa mga lalaking pinapangalanan pa ang kanilang kotse.  It's quite refereshing to see him in new light. May pagka-weird pala ang cool guy na ito.

"Seriously, you name your cars?" tukso ko sa kaniya habang isinusukbit ang seatbelt ko.  Nang makita niyang nahihirapan akong i-lock ito, siya mismo ang nag-adjust ng belt, sliding his fingers against the fabric na para bang napakalambot nitong balat para haplusin sa ganoong paraan. Napanganga ako siyempre, napaka-intimate ng ganoong moment for me—or is it only me?  Di maiwasang di mamula ng tenga ko sa sobrang pagka-conscious.

Siguro napansin ni Jace ang pamumula ng tenga ko.  Nag-smirk pa ang lokong ito.  ‘Lam mo na 'yung signature lop-sided grin niya na kinababaliwan ng mga girl-fans.  Naku! I have to seriously train myself sa mga patutsada ng dalawa naming guy- friends. 

"Jace... Bhesky," tawag ni Hani mula sa likod kaya sabay kaming napalinga ni Jace sa kaniya.

"Say, 'Cheese!'" sabay snapshot.

"Great! They will love this!"

Narinig kong bahagyang natawa si Jace at napahalukipkip naman si Erik.  As we are driving through the roads, I can feel excitement coursing through my veins.  Eto na... papasok na talaga ako sa isang bagong buhay.

===============================================================


Jace complimented Dani how great she looked that night.  Feeling naman ni Dani isa siyang prinsesang hinihintay ng kaniyang prinsipe habang bumababa ng hagdan.  Nang marealize niyang ganoon ang ideyang umiikot sa isip niya, agad niyang sinaway ang sarili. 

Behave, brains! Kung anu-ano nanaman ang iniimagine mo!

She opted for the maroon cocktail dress na may single sleeve. Nagmukha siyang mature sa kulay at coif na suhestiyon ni Hani sa kaniya. Noong una, she didn't feel like it.  Pero nang matapos ni Hani ang smokey look na make up niya, di niya maiwasang mapanganga. Napaka-sophisticated ng dating nia.

"Dinner lang ang pupuntahan natin, Hani... di awards night."  Pero tinawanan lang siya ni Hani.

Ito namang si Hani ay naka-tone down ang looks.  Simpleng puting dress na may apparent but simpleng lines.  Naka-brush up ang buhok at may simpleng earings na may kulay violet na bato.  Somehow, the effect is both stunning but innocent.

"Bakit simple ka ata tonight," di mapigilang komento ni Dani at sumimangot pa.  Sinundan niya ng tingin ang noo'y naglalakad na si Hani palabas ng kaniyang kwarto.

"You’re really imagining things, Dani. Tara na.  Kanina pa naghihintay ang dalawa sa baba."

Eto nga ngayon, naabutan nilang kumikislap ang mga mata ng date ni Dani samantalang laglag ang panga naman ni Erik.   Aabutan sana ng dalaga si Erik ng panyo pero nagkasya na lang siya sa mahinang hampas sa balikat nito.  Nasasanay na talaga siyang hampasin ang dalawang lalaki.

Nang malaman niyang ibang sasakyan ang gagamitin nina Hani at Erik sa pagpunta sa resto, aangal sana si Dani pero napag-isip-isip niyang tama lang ang plano ng kaniyang kaibigan.  Mawawala nga naman ang  effect kung magkakasama silang apat sa loob ng isang sasakyan.  Nauna nang umalis ng driveway ang kotse nina Erik at Hani.  Noted ni Dani ang kulay itim na SUV na nasa garahe, iyon ang gamit ng dalawa.

Tahimik ang dalawa sa loob ng kotse habang nagmamaneho si Jace, bagay na nakakasakal para kay Dani kaya pinagbuntunan niya ng pansin ang mp3 options ng infotainment ni Jace.  Nakita ko ang playlist na may pangalang "Heartbeat" at mayamaya pa'y narinig na ang unang kanta sa playlist. 

Ayos lang ang beat ng kanta at dahil bago lang ito sa pandinig niya, pinili ni Dani manahimik habang pinagmamasdan ang mga nadaraanang mga naglalakihang mga bahay at mga ilaw na kontra sa tanawin ng mga puno.  Gawa ng kanta, parang hinugot ang alaala ni Dani sa panahon kung kailan huli siya naging masaya.  Naroon pa ang mga magulang niya, si Hani at si Jade.  Marahas niyang binubura ang mukha ng dating nobyo, ayaw niyang masira ang gabi niya.  Kailangan din niyang ireserba ang lakas kung sakali mang maging agresibo si Selena sa paghamak sa kaniya.

Samantala, hindi na rin umimik muna si Jace.  Ginugulo siya ng mga alaala nila ni  Selena.  Hindi pa rin pala niya nabubura ang playlist na ito na siyang si Selena ang pumili ng mga songs.  The very first song stirred up memories na pilit na niyang winawaksi sa kaniyang utak.  Napahagod siya sa kaniyang buhok at nang di makatiis, pinakailaman na ang kanta.  Binago niya ito sa playlist na kung saan tinutugtog ang Nightingale ni Demi Lovato.

He earned an inquiring look from Danielle nang marinig ng dalagang pinalitan niya ang song.

"Sorry, nakakaantok kasi 'yung napili mo.  Baka makatulog ako, delikado," paliwanag ni Jace habang binabasa ang tinatapong 'yeah-right' look na ibinigay sa kaniya ni Dani. Hindi ito naniniwala sa excuse niya.

May kung ano sa ekspresyong 'yon ng date niya na nakapagpaalala nanaman sa kaniya sa dating kasintahan—‘yung dati pang Selena na simple.  Nagtiim ang kaniyang bagang at pilit niyang ipokus ang sarili sa pagmamaneho.

Kahit nakatagilid kay Dani si Jace, hindi napalampas sa kaniyang paningin ang tensiyon sa muscle ng bandang panga ni Jace.  Right there and then, alam niyang namali siya ng pindot. 

"Babe, anong iniisip mo?"  The words just came out at maging si Dani ay nagulat sa sinabi.

Narinig na lang niya ang mura ni Jace at pagswerve ng kanilang sasakyan.

"Sorry, does it sound that bad?" Binawi na lang niya ang halatang tensiyon sa kaniyang pagtawa.  Kinilabutan din siya sa sinabi.

Hinaplos ni Jace kaniyang buhok with his left hand.  Di maikakailang nagulat siya sa sinabi ni Dani.

"No," sabi niya kaya nakahinga ng maluwag si Dani. "You just freaked me out kasi parang hindi si Danielle ang boses."

"Slutty ba ang dating?" At pinakawalan ni Dani ang malulutong na halakhak.

"Hindi... hindi.  What I meant was bumagay sa look mo ngayon... and the Dani I just knew just recently isn't like her.  Parang possessed ang dating."

Tumawa nanaman si Dani.  "Bakit, Jace? Plain Dani 'yung normal?" Nanunukso lang naman siya pero marahas ang pag-iling ni Jace.

"No...no! Sorry, does my explanation sound bad?  Ganito kasi... Para kang character sa movie na biglang nagmaterialize in place of the simple Dani... nah, i suck in explaining... basta... it-it's different but not negatively different."

"Sus, kanda utal ka pa, Jace.  Chill! We're friends kaya you can tell me directly." At feeling brave si Dani na kinurot ang pisngi ni Jace. Jace scowled sa pagpisil ni Dani sa pisngi niya pero nangiti rin. 

"I'm one of the boys kaya hindi ako basta-basta offended."

Mahirap paniwalaan para kay Jace na one of the boys ang dalagang nagsasalita.  Para itong diosa sa kagandahan. "Kaya ba wala kang boyfriend kasi friend zone silang lahat?" 

Very fleeting ang emosyong gumuhit sa magandang mukha ni Dani pero sapat iyon para malaman ni Jace na mali siya ng kaniyang iniisip.  So, kaliga ko rin pala si Dani. 

Noon lang niya naalala ang audition ni  Dani na may depression itong pinagdaanan for the past year.  Hindi kaya ito 'yung tinutukoy ng dalaga na personal na dahilan?  

"Hindi naman.  Ma-may naging special someone naman kaso umalis siya for his dreams.  Ayun...” Halatang di pa rin komportable si Dani sa pagku-kwento about kay Jade.

Tinatantiya ni Jace ang sasabihin.  "Magkaliga pala tayo, ‘no?” pilit at mapakla ang tawa niya. Pinilit naman niyang maging totoo ito sa pandinig niya pero palpak siya. Ganumpaman, nakuha ni Jace ang kumpletong atensiyon noon ni Dani, namimilog ang kulay itim nitong mga mata.

"Selena left me for a bigger fish, apparently."

"Na-google mo na agad ang kasama ni Selena kanina?"

"Google?! No need, kilala siya sa sirkulasyon na negosyanteng nagde-date lamang ng mga magagandang modela at artista."

"So... does he have a name?" Hindi inaalis ni Dani ang tingin sa mukha ni Jace at di rin napalampas ng kaniyang atensiyon ang marahang paghigpit ng kamay nito sa manibela.

"Blake Clairmont.  Part British and French sa part ng father niya at Filipina ang mother.  One of the most successful young entrepreneurs ng South East Asia.  His profile is quite impressive, actually."  Neutral ang tone niya but Dani knows better.  Hinihigpitan lang ni Jace ang renda ng kaniyang mga emosyon. 

Kumukulo ang dugo ni Jace, masyadong nakalalaki si Selena.  Alam niyang galing sa marangyang pamilya ang pinalit ng dating kasintahan sa kaniya.  At parang bubog na paulit-ulit na kinakaskas sa kaniyang balat ang gabing nakikipaghiwalay sa kaniya ito.

"Why?"

"Obvious ba, Jace? I fell out of love!" Malamig ang tono nito, dahilan para mawindang si Jace kung talagang ang babaeng nasa harapan ba talaga niya ay ang mismong babaeng minahal niya sa mahabang panahon.

"'Yan lang ba talaga, Sena?" Matigas din ang kaniyang boses. 

"He's a bigger catch.  Ano masaya ka na, Jace?"

Para siyang hinulog sa napakadilim na bangin ng babaeng pinag-alayan niya ng puso at kaluluwa.  Masyadong naging masakit ang paglatay ng katotohanan na nagmula sa mga labing dati'y nagbibigay sa kaniya ng pinakamatamis na pulot.

From tonight, he vowed not to let that woman have power over him... not anymore!  He's grateful with Dani's help at pati na rin nina Brielle at Erik.  Sa panahong ito na inaakala niyang nag-iisa lamang siya, binigyan siya ng Diyos ng mga kaibigang hindi niya inaakalang matagal na palang nasa tabi niya.  Inaasahan niyang mabilis lang ang kaniyang recovery lalo pa’t he seemed to have a liking with Ms. Crystal’s only niece.  But that would have to wait.  He’d give himself some time to heal.  

Marami rin siyang dapat kaharapin pero para sa gabing ito, dapat muna niyang i-focus ang sarili sa mangyayaring dinner.  Isa pa ito.  Deep within, alam niyang mali ang kaniyang ginagawa.  Para niyang ginagawang kasangkapan si Dani para lang makaganti kay Selena?  O ito nga ba ang dahilan? Baka naman gusto rin lang niya matimbang kung may pagtingin pa rin sa kaniya ang dating kasintahan? Umaasa pa nga ba siya?

Hindi mabilang ang katanungan at di pa rin niya nabibigyan ang sarili ng sapat na panahon para malaman talaga kung ano ang sagot niya sa bawat katanungan.  Siguro naman, wika niya sa sarili, may pa panahon para roon bago pa sila bombahin ng mga taga-media tungkol dito. 

Tinapunan niya ng tingin ang katabi. Wala na itong nasabi pa sa kaniya lalo na nang makitang nagtitiim-bagang na siya. Itinuon na lang ng dalaga ang pansin  sa mga nadadaanang lugar na natatanaw niya mula sa katabing bintana. Nakaharap naman sa view niya ang elegantly coiffed raven hair nito.  

Hindi maipagkakailang maganda si Dani at lalong nakakapag-patingkad ng likas nitong ganda ang kasimplehan ng puso nito.  Ang hiling lang niya, manatili ito sa ganoong personalidad sa kabila ng mapagdadaanan nito sa industriyang kanilang ginagalawan.  Maraming tao ang nababago ng kasikatan, pera at kapangyarihan.  Si Selena ang kilala niyang pinakamalapit na halimbawa. 

Nagpakawala si Jace ng malalim na buntong-hininga. Unti-unting sumisikip ang suot niyang polo kaya pinakawalan niya ang isang butones.  Nalalapit na sila sa kanilang destinasyon.  Ang masasabi lang niya, malapit nang mag-lights, camera and action.



No comments:

Post a Comment