Hani Brielle's POV
This is the night, the glorious night! May pakiramdam akong magiging
maganda ang gabi na ito, not for me, mind you.
Nararamdaman ko ang magandang regalo ng kapalaran para sa aking bhesky!
Ay siya na ang mahaba ang hair, mahaba ang legs at mahaba ang pilik!
Simula nang pumasok kami sa mansion, di na naalis sa kaniya ang mga mata ni
Fafa Erik! Lumingon ka pa sa kabila at halos tumulo rin ang laway ni Fafa Jace.
(Uuy, kunwari pang pa-poise nang makita akong nag-smirk sa kaniya. Hahaha! Ang
lutong ng tawa ko!)
Tuwang-tuwa si tita Crystal nang makita ako at twice over nang makita
si Dani. Lord, salamat po at may kahati na ako sa atensiyon ng aking tita Stal!
Napakabuti niyo ho talaga sa akin.
Hinayaan ko muna sina tita Stal na ipakilala si Dani sa iba pang kasama
sa “dinner” na ito.
"Hey, Hani, didn't know you're gonna come," sabi ng kutong
lupa.
Sheesh! Of all people na makakasalamuha ko ito pang epal na si
Kiel. Lord, naman! Kaka-thank you ko
lang po, eh!
"Brielle for you, Kiel Joy," saway ko sa isa sa mga dimming,
little stars ng Crystal Prowess. "As up to date di tayo close." Gusto
ko siya irapan pero he's not worth my beautiful eyes.
"Alam mo, cute ka pa rin kahit mataray ka."
"Yeah, I know."
"Listen, Brielle," hinawakan ako ng mokong at hinila papunta
sa kaniya. The nerve!
"May hangganan ang pasensiya ko." Matigas ang boses ng
halimaw. As if natatakot ako.
"You know what, Kiel, tama ka..."
Nagtataka ang mga mata niya. As usual, di nanaman ako napredict ng
hamak na kutong lupa na may pang-kutong brain.
Malakas at mariin kong ibinaon ang stiletto ng aking kanang sapatos sa
paa niya—which foot? I didn’t even bother to care! Napilitan siyang bitawan ako dahil sa sakit.
Paglevel ng mukha niya dahil napadukwang siya sa marahil ay namamaga na niyang
paa, agad kong pinakawalan ang isang straight cut, square sa ilong ng
sira-ulong mukhang kabayo.
So much sa magandang gabi ko.
Wala ako keber sa nagkakanda-aray na di Kiel. Wala ring tumulong sa
kaniya. I guess nakita ng mga bisita na siya ang unang nang-harass.
"Guess what, Kiel, pikon na rin ako sa pangha-harass mo. Ah-ah!
Alam ko yang tingin na yan. Gusto mong sabihing kakasuhan mo ako. But you know
what? Sige lang at haharapin kita kahit saan pa."
Gusto ko pa sana magpatuloy sa kadadaldal kaso dumating si tita Stal
kasama si Dani.
"What's the meaning of this?"
Ay naku, cliche na kaya ang tanong ni tita. Di ba pwedeng, 'Bakit
nagdurugo ang kamatis mong ilong, Kiel?' O kaya naman, 'Hani, darling, bakit
gumagapang ang kabayong 'yan?'
Pinilit tumayo ni Kiel. With murder in his eyes na nakatingin sa akin,
sinagot niya si tita ng isang kakatuwang excuse.
"Wala po Ms. C, napalakas lang ang pabirong tulak sa akin ng
pamangkin niyo."
Tiningnan ako ni tita nang matalim. Nagkibit-balikat na lang ako at
binigyan ang paborito kong tiyahin ng cutie beautiful eyes ko. But tita knows
best. Sige lang, ibibigay ko ang trip ni Kiel. Besides, ayaw ko
sirain--further-- ang gabi ni bhesky.
"Ipatingin natin 'yan, Kiel," offer ni tita.
"Wag na po, Ms. C, but I'll go ahead. Ayaw ko namang sirain ang
dinner in honor of Danielle."
Sus! Pa-hero effect? At ano ako? Kontrabida? Eh kung baliin ko na ng
husto ang ilong nito?
Susugurin ko pa sana buti na lang nahawakan ako ni Erik.
Hinatid pa ni tita si Kiel Joy until sa kotse at si-nee to it pa na
maayos itong nakaalis.
Ako naman ruined na ang gabi pero hindi pahalata. Alam ko tatanungin
ako ni tita after the dinner "party.”
Yup, party nga ito dahil higit limampu pa ang dumating.
Tinanong ako ni Dani pero sinabi ko na ‘wag na niya alalahanin 'yun.
Bakas ang pag-alala sa mga mata niya dahil minsan ko nang nasabi ang
paminsan-minsang pangha-harass sa akin ni Kiel.
“Dani-bhest, ikaw ang star of the night. Hindi bagay na may pagkakunot ang noo mo.
Okay lang naman ako.” Kumuha pa ako ng
inumin namin sa dumaang waiter.
Champagne. Waaah! Ang sarap
talaga pumili ni tita Stal ko.
Ayaw kong mag-stick by my side ang aking bhesky kaya naman hinila ko
siya kung nasaan si tita. Let my tita
handle everything about Danielle. Isa pa
this is the perfect night para maumpisahan ang paglawak ng mundo ng bhest ko.
“Okay ka lang, Brielle?” Napalingon ako. Si Jace pala.
Napahilig tuloy ang ulo ko sa kaliwang side which is my common gesture
kapag nagtataka.
“Oo naman.” Matipid kong sagot.
Wala na nga ako sa mood, eh.
“By the way, you look really good tonight.” Marahan, pabulong ang
pagkakasabi ni Jace Crawford. Nanlaki ang mga mata ko. Is he actually flirting with me?!
“I always look good. That’s my
job.” Usually, this rejoinder turns men
off para layuan nila ako. I’m not
interested kasi sa mga ganyan. Oo na...
aamin na! NBSB nga ako! Anong magagawa ko? Wala akong makitang matino at
perfect sa taste ko...liban sa taong ‘yon na marahil di ko na makikita pa
ulit. Bakit? Masama mamili?
Nagulat naman ako kay Jace.
Hindi siya umalis, bagkus tumawa pa siya gamit ang kaniyang signature
laughter. What’s wrong with the world,
mama?! Napaatras tuloy ako ng konti.
“Lasing ka ba Jace?” tanong ko.
His expression is priceless! From panlalaki ng mata hanggang sa
unti-unting pagsingkit at may kung ano pang ibang naglarong emosyon bago siya
napalagok ulit sa kaniyang inumin.
“When a man compliments a girl sa party, lasing ba agad ang conclusion
mo about him?”
Speechless ang peg ko.
“You chase them off, don’t you?”
Napatingin ako sa malayo... doon sa may pagkain. Ginugutom ako sa tanong ng lalaking ito. Paano niya nalaman, eh lalaki siya? Usually, hindi naman ako nababasa lalo na ng
mga Adan.
“Thank you,” Dalawang salitang lumabas sa bibig ko nang di ko
namamalayan. Sinagot ko na rin ng matino
sa wakas ang compliment niya.
Sa pagbalik ng tuon ko kay Jace, nakita kong nakataas ang kilay
niya. Napabuga tuloy ako ng hangin. Ang cute ng tisoy na ito, eh.
Well, nagkapag-bonding kami ni Jace nang gabing ‘yon. Ayos naman pala ang ugali nito sa tingin ko
nga magkasing-ugali kami—parehong kalog sa labas pero may tinatago rin sa loob.
Nagflash-back sa akin ang eksena sa resto kanina. Sinayang ni Selena ang pagkakataon niya sa
lalaking ito. Sure ako maraming
magkakandarapa once na-declare nang opisyal ang kanilang break-up.
Later ipinatawag kami ni tita Stal para pag-usapan ang tungkol sa OST
ng Little Bride. Present siyempre si
bhesky dahil involved siya. Masaya si
Tita sa suggestion ko kahit na alam ko deep inside may konting frustration pa
rin siya dahil sa hindi ko nanamang piniling kumanta. Minutes after that, concluded na si Dani na
ang kakanta. Buti naman at professional
ang friend ko. So ayun, nag-uusap na
sila ni Jace. Um-exit na ako dahil nabigay ko na ang opinyon ko at sila rin
naman ang gagawa. Let them be, eksperto na si Jace sa bagay na ‘yan.
Lumabas ako ng garden para makalanghap naman ng sariwang hangin ng
gabi. Napatingala ako sa langit. Bilog pala ang buwan at kitang-kita ang mga
bituin. Hindi maiwasan, naisip ko tuloy
“siya.” Paano nga ba ako ulit kakanta? Simula nang mawala siya, dinala niya rin
ang musika ng puso ko.
“You chase them off, don’t you?”
Tama naman si Jace. I
intentionally chase them off dahil wala akong interes sa kahit sino sa
kanila. (Buntong hininga) Ang
kaisa-isang lalaki na naging mahalaga sa akin... magkikita pa kaya kami ulit?
Nasaan ka na? Di ko pa nga nalalaman ang tunay mong pangalan. Naman... dinaig
ko pa ang best friend ko sa kadramahan ng “almost” love life ko.
“Hani? Andito ka ba?”
Uso ata sa akin ang buntong-hininga ngayong gabi dahil nahuli ko ang
sarili kong ginagawa ulit ito to my nth time. Time to don my cutie face and
uber-sweet smile. One... two... three...
Action!
“Coming, tita.”
===============================================================
Napagod si Dani
kakatango-ngiti-tango sa mga taong pinakilala sa kaniya ni Ms. C. Noon niya
lang nalaman ang effort na kinakaya ni Hani almost all her life. Although
mukhang carry ng best friend niya ang ganoon, alam niyang sa loob nito mas
gugustuhin nitong magtrabaho sa background.
Di ba’t pruweba ang gabing ‘yon na hindi uhaw sa atensiyon ang isang
Hani Brielle Tejada?
“We’ll start recording by
Tuesday... Dani? Dani are you listening?”
Si Jace ang nagsasalita. Puro
instructions ang pinag-uusapan nila ni Dani kanina pa at nababanaag na niya sa
mukha ng dalaga ang pagod.
“All ears pa rin naman, Jace,”
sagot ng dalaga.
“Dinner nga pala ito in your honor
but here I am, filling you up with details of work para sa isang araw.” Way of
apologizing ito ni Jace.
Dani flashed him a smile. “No
worries, alam ko naman na dapat na akong magfit-in sa ganito ASAP.”
Natawa si Jace, naalala niya kasi
ang unang dinner party na ibinigay sa kaniya ni Ms. Crystal eight years
ago. Kung tutuusin, mas magaling magdala
si Danielle kaysa sa kaniya. He was way too awkward back then.
“By the way, can I have you number
then? Para naman madali ang communication.”
Agad na ibinigay ni Dani ang
contact number niya. Pero napataas ang
kaniyang signal nang hingiin ni Jace ang number ni Hani. May nade-detect siyang kakaiba. Kung tama man ang kutob na ‘yon, ngayon pa
lang naaawa na siya kay Jace. Base sa nakita niya na away ng binata at ni
Selena noong umaga, masasabi niyang si Jace ang naghahabol sa songstress. Tapos
ngayon balak nanaman niyang maghabol nanaman ng isa pang Ice Princess na
nagtatago sa panlabas na katauhan ng isang cute at bubbly na artista.
Kawawa... at napa-iling inwardly
si Dani.
“Sorry ha, ayaw kasi ni Hani na
pinamimigay ang number niya. But why
don’t you ask her tutal mukhang close naman kayo.”
Kinamot ni Jace ang ulo niya at
medyo nag-blush.
“Are you interested with my best
friend?” straight-forward na tanong ni Dani na siyang nakapagpalabas ng
magandang ngiti ng binata.
“Mukha nga,” bulong ni Dani pero
siguradong narinig ni Jace. “Listen up.
Hindi sa ayaw ko sa ‘yo para kay Hani-bhesky ko, Jace. But... kasi... katatapos niyo lang ni Selena,
di ba?”
Aminado naman si Dani sa sarili na
dire-diretso siya at mukha pang assuming pero kung totoo mang interesado si
Jace sa kaniyang BFF, aba’t dapat lang ayusin muna nito ang lahat bago siya
ulit manligaw. Best friend pa naman niya
ang topic dito.
“Halata ba?”
“Hindi naman kasi hihingiin ng guy
ang number ng isang girl kung hindi siya interesado.”
“Eh paano kung trabaho lang?”
“As far as my memory can get me,
umayaw nga si Hani na makatrabaho ka, ata,” natawa pa siya dahil sinadya niyang
medyo matalim ang pagkakapili niya ng mga salita.
“Ouch, huh! Hindi niya ako
inayawan. Ang pagkanta ang inayawan.”
“Ah basta, ayusin mo muna ‘yang
issue mo kay Selena bago kita ilakad sa Hani-bhesky ko.”
Dahil kay Hani, nagkaroon ng
common bond between Dani at Jace. Later
that night, friendly terms sila at mukhang nagkakasundo pa nang husto. After some time, they were joined by
Erik. Usap-usap at nakagaanan din ni
Dani ng loob ni Dani ang binata. Masarap
na ang tawanan nilang tatlo dahil ikinukuwento ng dalawa ang mga anecdotes nila
noong nag-uumpisa pa lang sila sa showbiz. Matagal bago nakasali si
Hani—tinapos muna ang usapan nila mag-tita—pero at ease rin ito sa jamming ng
naunang tatlo.
Kung titingnan silang apat para
silang matagal nang magkakaibigan. Humaba ang kanilang gabi dahil sa di
matapos-tapos na kuwentuhan at tawanan. Sa kabilang banda, hindi nakalampas
‘yon sa mga mata ni Ms. Crystal Permejo na noo’y nakatanaw mula sa bintana ng
den. Isang makahulugang ngiti ang
sumungaw sa kaniyang kulay pulang mga labi.
“Mukhang magiging interesting ang
mga mangyayari from this point onwards,” wika niya sa sarili at umakyat na
patungong silid. Ayaw na niyang guluhin
pa ang bonding ng apat kaya hindi na siya nagpaalam pa.
Bago niya ipikit ang mga mata,
naalala niyang muli ang larawan ng apat na kabataan sa den ng kaniyang mansiyon. Bumalik sa alaala niya ang kaniyang tatlong
best friends at di naiwasang pumatak ang nag-iisang luha mula sa kaniyang
mata.
Masaya na sina Mischa at Rowan sa
kanilang buhay sa America at sigurado siyang ganoon din si Alex kung saan man
siya naroroon ngayon. Ngumiti si Crystal
pero may kahalo itong pait.
Alex...
Sayang at kinuha agad ito sa
kaniya ng Diyos. Ang kaisa-isang
lalaking minahal niya simula pa pagkabata nila ay maagang binawi sa
kanila. Hanggang ngayon, kahit halos
dalawang dekada na ang nakakalipas, masakit pa rin sa kaniya ang nangyari. Parang kahapon lang nang mangyari ang
aksidente at sa bawat gabi ng kaniyang buhay, ang alaala noon ang naging
pasakit para sa kaniya. Ipinagdarasal na
lang niyang wala na sanang kahit sino pa ang dumanas ng kalungkutan at sakit na
nararanasan niya.
12:30 na nang magpapaalam na sana
sina Hani at Dani kay Crystal pero nagsabi ang personal assistant nito na
maagang nagretiro ang kaniyang boss. Tumango na lang at nagpaalam ang dalawang
dalaga. Naging masaya ang gabing ‘yon
para sa kanila kung susumahin at aalisin ang insidente with Kiel.
Excited na ang dalawa para bukas
dahil napagplanuhan nilang apat nina Erik, Jace at Danielle na pupunta sila ng
Tagaytay. Wala lang, instant decision
lang nila. Pinakabonding daw ng tatlo
(nina Jace, Erik at Dani) dahil mag-uumpisa na ang production ng Lonely
Symphony.
“Tomorrow, tomorrow... I love you
, tomorrow... you’re always a day away!” tula ni Hani nang nasa loob na sila ng
sasakyan.
“Alam mo bhesky, hindi yan
tinutula. Kinakanta po ‘yan,” saway
naman ni Dani sa tabi niya.
“You know that I don’t sing.”
Napaayos ng upo si Dani. Itatanong niya ulit ang lagi niyang kinukulit
dito.
“Bakit ba kasi? Narinig kitang
kumanta dati sa music natin, ha... maganda ang boses mo.”
Matagal na hindi umimik si
Hani. Sa totoo lang, ayaw niya itong
sagutin. Lagi niyang iniiwasan ang
tanong na ito na kadalasan ang tita Stal niya ang nagtatanong. Maski si Dani paminsan-minsan ding
itinatanong ito sa kaniya, but it’s about time na kahit papaano ay may masabi
siyang dahilan sa kaniyang best friend.
Ang problema lang kasi, di maatim ng sarili niyang bibig na sambitin ang
mga katagang...
“Because my melody has left me.”
Noong una, hindi masyado maka-sink
in ng sinabi ni Hani sa utak ni Dani. It
took her five counts before she completely absorbed the impact of her best
friend’s words.
“Siya ba ang dahilan kung bakit
hindi ka man lang tumitingin sa iba?”
Tango lang ang iginanti ni Hani.
“Sige... kapag handa ka nang
ikwento, makikinig ako bhesky.” At nilaparan niya pa ng extra ang ngiti. Sa loob niya, may kadramahan din palang
tinatago itong si Hani. Ang alam niya
lang sakitin si Hani noong bata ito at nang gumaling ito, pinilit nitong maging
masaya araw-araw.
Dati hindi niya maunawaan nang
sabihin nitong, “Para sa kaniya kaya pinipilit kong sumaya at mabuhay.” Akala niya noon si Lord ang tinutukoy ni
Hani. Siguro ganoon din ‘yon pero
ngayon, may palagay siyang may iba pa itong tinutukoy.
Inakbayan na lang siya si Hani
para sabihing okay lang ang lahat at huwag na ito malungkot. Tutal, it is in silence na talagang
nakakapagbonding silang dalawa bilang true friends.


No comments:
Post a Comment