Danielle’s POV
Papunta kaming apat ngayon sa
nabiling vacation house ni Brielle sa Tagaytay.
Maaga pa lang good vibes na ako at lalong pinaigting ‘yon ng malamig
ngunit banayad na hangin ng lugar.
Malapit na kami sa destinasyon namin.
Kalalampas lang ng aming sasakyan sa arko ng Silang, ang munisipyong
katabi lamang ng Tagaytay.
Si Jace nga pala ang aming
designated driver, magkatabi sila ngayon ni Hani dahil ito naman ang
navigator. Aalma nga sana ako dahil di
ako sanay na may katabing guy pero magmumukha naman akong engot kung mag-insist
akong tumabi sa akin si Hani, right? Kaya nakuntento na lang ako sa likod with
Eric.
In fairness naman, itong si Eric
ay isang silent-type kaya magkasundo ang aming mga wave lenghts. Kung hindi pa binuksan ni Jace ang player, siguradong
magkakapanisan kami ng laway nitong si Eric.
Isusukbit ko na sana ang headphone ko, naunahan lang talaga ako ni Jace.
Upbeat at mostly pop ang nasa mp3
list ni Jace. Later, I caught myself
singing along with the two boys.
Pangiti-ngiti na rin si Erik at ako nama’y kinakarir na rin ang pagbirit
ng Livin’ in a Highwire ng Lemonade Mouth.
Kapansin-pansin namang nakikitambol lang si Hani-bhesky. Inilapit ko ang pisngi ko sa kaniya habang
bumibirit para iparating sa kaniya na sumali naman siya sa amin, pero
wala. She just flashed her angelic smile
and continued with her drumming.
Pagkatapos ng kanta, itinabi ni
Jace sa isang fruit stand ang kotse.
Bababa na sana ang lahat pero nagulat kami na in-auto lock ni Jace ang
mga pinto.
“I dare you, Ms. Hani Brielle
Tejada. Are you in or out?”
Ilang segundo siyang matamang
tiningnan ni Hani-bhesky bago maingat na nagtanong.
“What’s the consequence if I
fail?”
“Oh, you wouldn’t want to fail
or... back-out from this.”
“Ano nga?”
“You’ll just invite Kiel as your
escort sa premiere ng Little Bride. ‘Yun lang naman.” Nang-aasar pa ang tono ni
Jace pero maski kami ni Erik sa likod napasinghap sa ibinigay na consequence ni
Jace.
Sa loob-loob ko, gusto ba talaga
nitong mamatay ng maaga? At heller! Ang ganda ng mood namin kanina para
i-spoil. Besides, siguro naman, hindi
ito ang idea niya ng ‘da moves’ niya?Aawatin ko sana kaso nga lang nanalo pa
rin ang curiosity ko about the challenge.
Siguradong maganda ‘yon para bigyan ni Jace ng mahirap na consequence
ang aking BFF.
“You’ll just let us hear your
voice. Kami at ang mga fruit vendor.”
OH-EM-GEE! And OH-EM-GEE! Talaga
bang gusto na nitong masira ang bonding namin? Or gusto ba nitong masipa sa
sarili niyang kotse?
Nakita kong natulala ang aking
best friend sa challenge ni Jace.
Sasagipin ko na sana kaso natigilan nanaman ako sa isang salitang
tinugon niya sa nanghamon sa kaniya.
“Call.”
Nasambit ko tuloy ang ikatlo kong
OH-EM-GEE out loud. Totoo ba ito?
Napapayag ni JC Crawford ang matigas na ulo na si Hani Brielle?! Nakakawindang
ang pangyayaring ito, to the verge na gusto kong magtampo kay Hani. Ako ngang best friend hindi talaga siya
napilit na kumanta. Kung sa bagay, between singing and being with Kiel nga naman...
“Ako ang pipili ng kanta,”
presenta ni Erik.
Tinapunan ko siya ng tinging
nagsasabing gusto ko siyang sunugin.
Ba’t ba wala akong partisipasyon? Ako ang best friend here. Hellooooo!
“Shoot.”
Ang tipid naman ng mga sagot ni
Hani. Sure akong she’s not feeling
comfortable altogether kahit suot niya ang kaniyang poker face.
“Heart Attack by Demi Lovato.”
Nice! Napahalakhak talaga ako ng
super lutong. Hinihintay ko na ngang tapunan ako ni Hani ng masamang tingin
pero hindi nangyari.
Himala, Lord!
Pagkababa, nagtilian ang mga
vendors na nakakita sa amin. Buti na
lang nasa secluded na area sila at hindi ‘yung mga kopong-kopong. May mga nagpapicture with Hani at Jace. Sila naman ang pinakasikat, eh. Siyempre di naman nagpahuli si Erik. Halos mahimatay na nga ang mga girls sa
sobrang kilig.
May isang lumapit sa akin. Nagtanong kung ako raw ba ‘yung bagong talent
ng Crystal Prowess na ininterview sa TV.
Galing, huh. Without my make-up
nakilala pa ako. Nagpa-picture rin
sila. How nice of them naman kahit hindi
pa ako sikat.
After magpapicture, back to
business na. Bilib ako sa bilis ng shifting! Prinisinta nila ang mga
pinakamamagandang produkto. Habang
naglalahad ng produkto, may instant interview na rin. Saan daw kami pupunta? Item daw ba si Hani
at Jace (sila kasi ang magkadikit) at kung kami naman daw ba ni Erik. Todo lang
ang ngiti ko at iling sa issue about sa amin ni Erik. Ano ba ito? Onslaught ng paparazzi?
Practice-practice rin ‘pag may time.
‘Yung mag-asawang tuwang-tuwa kay
Hani, nagbigay ng extra sa amin. Pabaon
daw at nakita nilang personal sina Hani at Jace. Maliban doon, nagwish pa sila na sana maging
sina Hani at Jace dahil hindi raw bagay sina Selena at Jace.
Narinig kong binulungan ni Hani si
Jace ng, “Very amusing.”
Nanlaki talaga ang mga mata ko. Is she flirting with him? Parang di ko kilala
ang best friend ko sa mga oras na ito.
Kung pagaganahin ko pa ang imagination ko, feeling ko M.U. silang
dalawa. Buti na lang at malinaw pa rin
ang matipid na sagot ni Hani sa akin kagabi.
“Because my melody has left me.”
So alam ko pa ring di sila
M.U. Period.
“Are you okay?” Si Erik ang
nagsasalita. Nakalimutan kong kasama
pala namin ito dahil naka-focus ako kay Hani.
“Masanay ka na, kung ikukumpara sa kanila, mas offensive ang ilan sa
media.”
Tumango na lang ako. Napansin kong namumula ang tenga ni Erik at
doon ko lang narinig ang ilan.
“Kuya Erik, bagay kayo ni Ate
Danielle.” ‘Yung unang nagpa-autograph sa akin ang narinig ko.
Napakamot si Erik ng ulo at lalong
tumingkad ang pamumula ng kaniyang tenga.
I found this very amusing kaya natawa ako.
“Naku, very serious si Erik sa
kaniyang career. Sigurado akong wala
siyang time for love.”
May idudugtong sana si Erik pero
nalunod sa mga tilian ang sasabihin niya.
Nakita naming pumapalakpak ang mga tindero’t tindera sa dulong
stand. Eto na... kakanta na si Hani. Nakita kong may sukbit na gitara si Jace at
tumutugtog ng intro.
Nang mag-umpisa sa pagkanta si
Hani, hindi ako nagkamali sa pag-expect. Katulad ng narinig ko noon sa music
room, very powerful ang boses ng bulinggit kong best friend. Malayo ang timbre nila ni Demi pero may
sariling style naman si bhesky ng Heartattack.
Grabeh! Nakakapanindig-balahibo
ang koro, lalo na ang refrain part.
Kitang-kita kong dama ni Hani ang kanta, isa na lang sana ang kulang...
‘yung tapon-tingin-sa-inspiration factor.
Hindi man lang niya tiningnan during the entire song si Jace. Confirmed!
Kaibigan lang talaga ang tingin nito sa bago naming kaibigan.
Natapos na ang kanta at
nagpalakpakan ang mga tao. Akala mo may
mini concert si Hani. Now, come to think
about it. ‘Yung ibang artista na wala
ngang “K” magconcert nakapagconcert na ng bonga, pero ang BFF ko na may talent,
wala. Ane be yen?!
Akala ko tapos na kaya papasok na
kami ni Erik sa kotse pero nagpatuloy ng pagtugtog si Jace. Familiar sa akin ang kanta... Mali... hindi
lang basta familiar. Kilalang-kilala ko
ang kantang ‘yon.
Bakit ba kasi pinili ‘yon ni Jace?
“No there's no one else's eyes
That could see into me
No one else's arms can lift
Lift me up so high
Your love lifts me out of time
And you know my heart by heart”
Nanigas na lang ako sa
kinatatayuan ko. Pakiramdam ko, isinali
nila ako sa Ice Bucket Challenge—The Surprise Edition.
=========================================================================================
Akala ni Hani tapos na ang
challenge. Isang kanta lang naman ang
napag-usapan pero narinig niya ang intro ng isa pang kanta at ang boses ni
Jace. Another of Demi Lovato. Natawa tuloy siya. Hahayaan na sana niyang mag-solo si Jace pero
when she caught his eyes, kusa nang bumukas ang kaniyang bibig para sabayan si
Jace. Ikinagulat niya ito inwardly.
Who’s this guy and why does he
affect me this way?
Hinayaan siya ni Jace na kantahin
ang koro at sinabayan na lang siya ulit sa sumunod na stanza.
Perfect blend ang mga boses nina
Jace at Hani. Bukod doon, may chemistry pa na ine-emit ang dalawa. Habang nanunood si Erik, di niya mapigilan
ang sariling mapa-iling at ngumisi. Sa
isip-isip pa ng binata, sayang ang tinatagong galing ni Brielle. Bagay sana ito sa teatro. Pero sa hindi nito ipinapaliwanag na
kadahilanan, very evasive ang pamangkin ni Ms. Crystal sa musical shows,
recording or anything na may kinalaman sa pagkanta.
Hindi lang naman siya ang
nagtataka. Marami silang nahihiwagaan
kay Brielle at sa dahilan nitong iwasan ang pagkanta. Balita sa kanilang sirkulasyon ang masidhing
pagtanggi lagi ni Brielle sa mga recording opportunities o mag-debut man lang
sa entabladong tita nito mismo ang bumuo at nagtayo.
Habang ginugulo siya ng
palaisipang iyon, napatama ang kaniyang tingin kay Dani. Ba’t nga ba di na lang
niya tatanungin ang best friend ni Brielle? Kahit na naiisip niyang magmumukha
siyang chismoso, hindi na niya pinansin pa ang ideyang ‘yon. Eh di kapag sinagot, malalaman niya ang
dahilan. Kung hindi naman, e di
palaisipan na lang muna until that time comes na malaman na niya. Ganoon lang kasimple ‘yun.
“Dani—“ Ngunit hindi na niya
nagawa pang magtanong.
Pagkalapit, noon niya lang
napansing parang estatwang na-glue si Danielle sa kinatatayuan nito. Naninigas at may maputlang kulay.
“Dani, are you okay?”
Noon lang itong tumingin sa
kanila. May mga luha ito sa mga mata na
hindi pa malayang dumadaloy.
Upon realizing na naipakita niya
ang mga luhang iyon kay Erik, binawi agad ni Dani ang kaniyang tingin. Gayumpaman, nanatili pa rin siya sa
kinatatayuan.
Awtomatikong isinilid ni Erik ang
kaniyang kamay sa bulsa at kinapa roon ang panyo.
“Ito, oh.”
Panyo. Inaabot ni Erik sa kaniya ang isang
putim-puting panyo.
Maingat itong kinuha ni Danielle,
medyo nahihiya pa dahil nakita ni Erik ang mga luhang iyon na bigla-bigla na
lang kung sumulpot. Sa lahat ba naman
kasi ng mapipili ni Jace, ‘yung kanta pang pilit niyang binubura niya sa kaniyang
alaala.
Ang kantang ‘yon na minsan niyang
kinanta para sa taong napakahalaga sa kaniya.
Hindi naman kaila kay Erik na
hindi lang basta na-touch si Danielle sa kanta nina Jace at ng best friend
nitong si Brielle. Bagamat sandali lang
na nagtagpo ang kanilang mga tingin, alam niyang ang dahilan ng mga luhang iyon
ay galing sa isang espesyal na kadahilanan lamang.
Sumama ang kaniyang pakiramdam at
parang hinahalukay ang kaniyang kaluluwa.
Napakalungkot ng emosyon na nakakulong sa mga matang ‘yon. Aniya sa sarili, kung wala lang sila sa
public place, baka inalo na niya ito at hinayaang ibuhos ang ang emosyong pilit
ikinukubli ni Dani.
Nang matapos ang maiksing nina
Jace at Hani, kinuha ng binata ang kamay ni Hani at sabay silang yumuko sa
kanilang mga manonood. Naging magandang
pagtatanghal at karanasan ang kanilang pagkantang ‘yon sa mga taong nanood sa
kanila.
Para kay Jace, isa itong
satisfying experience. Namiss niya ang mga ganitong libreng pagtatanghal sa mga
di kilalang tao. Noong nag-uumpisa pa
lamang siya at di pa gaanong kilala, ginagawa niya ang ganito sa mga palaruan,
parke o harapan lang mismo ng kanilang tahanan. Hindi ma-explain ang kaligayahang hatid ng
ganitong pagkakataon.
Dahil sa kanilang libreng
konsiyerto, ang mga natuwang fruit vendors ay nagbigay ng mga mangosteen na
siya namang paborito ni Hani. Tuwang-tuwa ang dalaga. Noong una, nag-insist siyang bayaran ang mga
nililibreng prutas pero umiling ang mga nagtitinda. Regalo raw iyon para sa kanila dahil sa isang
espesyal na araw na ibinahagi nila.
“Bibihira lang mam ang ganitong
pagkakataon. Di naman araw- araw eh may
kumakantang singer at artista sa amin,” sabi ng matandang lalaking nagbigay ng
mga prutas.
“Mukha pong masarap ang mga ‘to,”
ganti ni Hani at abot tenga ang ngiti.
Nang nasa kotse na sila, halos di
pa rin magkanda hinto ang kaway nila sa mga magigiliw na fruit vendors. Nagpalipad pa si Hani ng kaniyang signature
“flying kiss” sa mga ito bago tuluyang tinapakan ni Jace ang accelerator para
agad nang makarating na sila sa kanilang pupuntahan.
Maganda ang mood ni Hani at nakuha
pa niyang magtitili nang makita ang view ng Taal volcano. Para itong batang
excited na nagtitili kahit makailan na niyang nakita ang bulkan.
“Ang ganda, ganda mo talaga Taal!”
sigaw pa niya na para bang artista ang bulkang nakalubog sa lawa at isa naman
siyang masugid na fan nito.
“Maganda naman basta ‘wag lang
sasabog,” pabirong tugon ni Jace.
Isang magandang ideya ang biglang
naisip ni Hani na gusto niyang gawin nilang kaniyang matalik na kaibigan. Matagal na rin kasi nang makapag-nature
tripping sila nito. Kung hindi siya
nagkakamali, noong field trip pa nila noong third year college pa sila huling
nakapag-camping. “Bhesky, kailangan
makapag-boating tayo sa susunod doon...” sabik na sabi ni Hani sa matalik
niyang kaibigan na nakaupo sa likuran.
Noong una di naman niya napapansin
ang pananahimik ni Dani. Naalala na lang niya ang tungkol sa kanta nang
malingunan niya ang lukot nitong mukha at na-focus pa ang tuon niya sa mahigpit
nitong hawak sa isang puting panyo. Sa isip niya, tinutuktukan niya ang ulo ng
isang malaking martilyo. Bakit nga ba
hindi niya naalalang theme song ni Dani ang Heart by Heart sa unggoy na si
Jade?
Sa isang tingin pa lang kay Hani,
alam ni Dani na nagsink-in sa kaibigan ang dahilan ng kaniyang
pananahimik. To enlighten naman ang
mood, pinilit niyang ngumiti at sagutin ang suhestiyon nito.
“Oo naman! Kaso ang tanong: KELAN?”
“Pagkatapos ng Lonely Symphony,”
sagot ni Erik. “Aba, sasali ako d’yan
Brielle, hindi pwedeng hindi!”
“Iiwan niyo ako? Sali niyo ako,”
sabat din ni Jace.
At katakot-takot na plano na agad
ang ginawa ng magkakaibigan. Ilang
sandali pa’t tuluyan ding nakalimutan ni Dani ang tungkol sa dating kasintahan.
Nang dumating na sa kanilang
paroroonan napa-ooohh at sipol sina Erik at Jace. Nakigaya rin si Hani kaya tinapunan siya ng
tingin ng lahat.
“Bakit ka nakiki-amaze?” Si Jace
ang nagtanong.
“Eh hindi ko akalaing malaki ang
renovation na gagawin nila rito eh.”
Isang malakas na pagbatok ang
ginawa ni Dani sa kaibigan.
“Aray!”
“Anong hindi mo akalain, eh, ikaw
ang nagsketch ng designs nito, remember?”
“Ahehehe... ay oo nga pala.”
Umiling ang dalawang lalaki. May sa topak talaga ang bulinggit nilang
kasama.
May isang matandang babae ang
sumalubong sa kanila at nalaman nilang ito ang katiwala ng vacation house ng
kanilang may-anyaya. Isang lalaki naman
ang kumuha ng kanilang mga bagahe at isang dalagang kasing edad nina Hani at
Dani ang sumulpot nang magtawag si Manang Tisya (ang katiwala).
“Giselle!”
Nahihiya pa si Giselle nang
lumabas ito mula sa direksiyon ng kusina.
Nakadamit itong pangkatulong pero litaw ang ganda nito.
“Ay ang ganda mo naman!” Komento
agad ni Hani, nakangiti.
“Senyorita, siya po ang pamangkin
kong si Giselle. Nagkokolehiyo siya kaso
nakahinto ngayong semester dahil kailangan niyang mag-ipon. Sabihin niyo lang po sa kaniya kung ano ang
ipag-uutos niyo,” wika ni Manang Tisya.
“Ay ganoon? Sayang naman ang time.
Pasok ka sa pasukan, Giselle, akong bahala sa tuition mo.” As usual impulsive
si Hani.
“Naku, hindi na, ho, senyorita.”
“Brielle na lang. Magkasing edad lang naman tayo diba? Ay
Manang... Giselle... sila nga pala ang mga kaibigan ko. ‘Yung dalawa kilala niyo na siguro sina Jace
at Erik.”
“Ikaw talaga, Brielle... ipakilala
mo naman kami ng ayos,” maktol ni Jace.
Sa tantiya ni Hani nagpapa-cute ito kay Giselle. Maganda naman kasi ang dalaga—morena, may
malalaki at expressive na kulay itim na mga mata at matangos ang ilong. Ayos din ang tangkad nito at balingkinitan
ang pangangatawan. Sigurado siyang
magpapa-impress ang malanding si Jace.
“Okay... sige... Giselle, ingat ka
jan kay JC “Jace” Crawford pero okay naman itong si Erik Veroza, the RnB
hitmaker.”
Napakamot na lang ng ulo si Jace
pero tumango na lang ang medyo nagsusupladong si Erik. Ang totoo, ganito lang talaga siya kapag
tinatamaan din ng hiya. Oo, mahiyain
siya kahit isa siyang sikat na personaheng nakikisalamuha sa iba’t ibang tao. Tinatago niya lang ito sa kaniyang
aloof-demeanor.
“At ito naman,” hinatak ni Hani si
Dani, “ang kaisa-isa kong best friend sa mundo si Danielle Mendez.”
“Pleased to meet you, Giselle,”
bati naman ni Dani at inilahad ang kamay.
Nahihiyang kinamayan siya ni
Giselle habang sinasabing fan siya nito na siyang pinagtaka ni Dani dahil hindi
pa naman siya officially na nagtanghal sa entablado bilang Sierra. Hindi pa rin siya kumakanta o nag-guest sa
mga TV shows. Tsaka pa niya iyon gagawin
pagkatapos niya mag-debut sa stage.
“Nakita ko po sa YouTube ‘yung
audition niyo. Ang galing niyo po,” sabi ng manghang-manghang si Giselle. Hindi niya akalain kasing very friendly sina
Hani at Dani. Akala niya magiging brat
ang mga ito o mga snob.
“Nilabas na nina tita ang audition
sa YouTube?” tanong ni Hani kina Jace at Erik.
“Kahapon lang. Naglagay na sila ng official site for you and
nirelease ang video ng audition mo,” sagot ni Jace, kay Danielle nakaharap.
“Ay talaga?! Sige iche-check natin
‘yan bhesky mamaya.”
Nagpaalam na muna ang grupo para
makapag-ayos ng kani-kanilang gamit.
Sinabi naman ni Manang Tisya na handa na ang kanilang tanghalian by
11:30.
“Manang, may mga prutas nga po
pala kaming dala. Pakihain po ‘yung
mangosteen,” bilin ni Hani habang paakyat at napahinto pa nang may naalala.
“Giselle, punta ka sa office ko
mamya, let’s discuss about your enrolment mamaya.”
“Ha-e, senyorita...”
“No, I won’t take no for an
answer.”
“Sige po... salamat po, senyorita
Brielle.”
Tumango na lang si Brielle at
umakyat na sa kaniyang silid.
Tig-isa sila ng silid pero
pare-parehong nasa isang floor lang.
Nang pumasok sila ni Dani sa kwarto nito...
“Surprise!”
Nanlaki ang mga mata ni Danielle
dahil ang favorite niyang kulay at may isa pa siyang malaking photo na
naka-frame sa silid na ‘yon.
“Para sa ‘yo talaga ang room na
ito, bhesky.”
“Pero Hani, bahay mo ito.”
“Yup. Bakit masama bang bigyan ko
ng sariling silid ang best friend ko sa sarili kong bahay?”
Niyakap na lang ni Dani ang
kaniyang best friend bilang pagpapasalamat.
Hindi sapat ang “salamat” sa nararamdaman niya. Hindi ito patungkol sa materyal na bagay,
kundi sa kaisipan ni Hani na may importanteng lugar siya sa buhay nito.
Iniwan ni Hani ang kaniyang
kaibigan muna at chineck ang dalawang lalaki sa kani-kanilang silid. Nakita niyang nag-aayos agad si Erik ng mga
gamit nito kaya iniwan niya ito agad. Nagdalawang isip pa siya kung papasok siya sa
silid ni Jace. Hindi niya maipaliwanag
pero bakit bigla na lang siya tinablan ng agam-agam.
Kumatok siya at nakarinig ng,
“Pasok!”
Ito pala ang silid na binilin
niyang pintahan ng faint na lime green at sky blue. Ito kasi ang nakaharap direkta sa silangan.
“Okay ka ba sa room mo?”
Noon lang niya napansing hindi
busy sa pagaayos si Jace. Bagkus,
naggigitara ito.
“Bakit di ka pumapasok?” Ni hindi
nga siya nito tinatapunan ng tingin dahil abala sa pag-tune ng gitara.
Napilitan tuloy siyang pumasok
pero hindi na niya sinara pa ang pinto.
“Sabi ko, ayos ka lang ba sa room
mo?”
“Yup.”
“A-okay. Just checked.
If may kailangan ka sabihin mo lang agad ha.” Aalis na rin agad si Hani
pero napahinto siya sa tanong ni Jace.
“Bakit hindi ka kumakanta Hani?”
Hani agad?! Agad-agad?!
“Oy, Jace, di pa tayo ganoon
ka-close noh. Wag mo nga ako
matawag-tawag na ‘Hani.’ Sina tita lang at Dani ang may karapatan na tawagin
akong ganoon.”
“I like you—you’re voice. It sparks inspiration.” Hindi pa rin nito
makuhang tumingin sa dalaga.
Ano daw?!
“Jace, I have my personal reasons
and I’m not ready to impart those reasons yet.”
“Regardless, I would like you to
be my duet.”
“Ang kulit! Hindi nga ako
kumakanta. Napakanta mo lang ako gawa ng
challenge, one of which I couldn’t let myself lose to dahil kay...”
“Dahil kay Kiel,” pagtatapos ni
Jace at tumingin ito nang diretso kay Hani na para bang naghahamon.
“Dahil sa kaniya. Sino bang may gusto gawing eskort ang bakulaw
na halimaw na ‘yon?”
“So you need another dare?”
“Hindi ko papatusin ang dare na
‘yan, Jace.”
“Come on, Ha- Brielle... ‘wag mong
itago ang boses mo. Marami akong
kakilalang papatay dahil sa boses na ‘yan.”
“You mean si Selena?”
Dahil sa pangalang sinadyang
banggitin ni Hani, natigilan si Jace. That will let him drop his pursuit, sabi ni
Hani sa sarili, pero mukhang mali siya.
“Yup.”
“You know, mas may maganda akong
idea at alam kong a-agree sa akin si Tita Stal. And that idea is Dani.”
“Wala akong problema kung maging
kapareha ko man si Dani sa stage. Di na
ako magugulat doon. Pero this offer is exclusively for you, Brielle. Pag-isipan
mo.”
Tumalikod si Hani.
“Sorry, Jace.”
At tuluyan siyang lumabas ng silid
nito. Pagkasara niya ng pinto, sandali siyang napasandig dito na para bang nawalan
siya ng lakas. Napapa-isip siya tuloy
kung tama bang kaibiganin si Jace. Tinatablan ata siya ng kaba.
"Umayos ka nga, Hani,"
saway niya sa sarili. Hindi niya nagugustuhan ang pagbaba ng kaniyang mga
depensa lalo na kay Jace na hindi niya pa nakikilalang lubos.
Inayos niya ang sarili bago
bumalik sa silid ni Dani. Ipagpapaliban niya muna ang kaniyang pag-aayos ng
sariling gamit. Gusto niya munang libangin ang sarili kaya naisipan niyang
tinangnan nila ni Dani ang bagong launch nitong website at ang mismong video ng
audition nito.
Pagka-bungad pa lang ng home page,
hindi na magkanda-kumayaw ang dalawa sa “ooooh” at “aaaah” lalo pa’t
napakaganda ng mukha ni Dani rito. After
checking out the released profile, agad nilang tinungo ang video page kung saan
naka-post ang audition ni Dani.
Mayamaya pa'y nagtitili na silang
dalawa. Maski si Dani hindi makapaniwala
sa ginawa niyang audition. Nakita niya rin ang reaksiyon ng mga judges, lalo na
ni Ms. Crystal. Hindi lang pala panaginip ang nakita niya noong araw na
‘yon. Totoo pa lang napaiyak niya ang
isang Crystal Permejo!
"Bhesky, talaga bang ako
'yung nakita ko?" Gusto ni Dani makasigurado.
"Halika rito't isusubsob kita
sa screen para mapaniwalaan mong ikaw nga yan."
"Ito naman!"
"Hay naku, bhesky, basta ha.
Kahit sikat ka na... 'wag ka magbabago."
Sumimangot si Dani. Para kasing
walang tiwala sa kaniya si Hani.
"Ay naku, alam ko ang tinging
'yan. But you'll soon know what I'm talking about, Dani," sabi ni Hani at
ipinatong ang kaniyang mga kamay sa balikat ng kaibigan.
Di niya ito hinuhusgahan ko
pinapangunahan pero nakita niya ang epekto ng karangyaan at popularidad sa mga
naging kasabayan niyang artista. Nasaan na ba ang karamihan sa mga ito? Di ba't
ang karamihan ay lumubog agad? At ang iba nama'y kilala ngayong mga pasaway.
Iilan lang silang napanatili ang mga paang nakatuntong pa rin sa lupa.
"Pinapaalalahanan lang kita,
Dani, bilang nakakatanda mong kapatid sa industriya at best friend mo na
rin."
"Oo. Alam ko naman 'yun eh.
Hayaan mo lagi kong aalahanin yan....ATE." At humagikhik na parang bata si
Dani.
Noon na lang ulit narinig ni Hani
ang ganoong tawa ni Dani. Di na niya ito sinabi pa. Kiniliti na lang niya ito
bilang pagganti at nag-umpisa na ang harutan. Nasa ganoon silang estado nang
pumasok si Erik. Kumatok pala ito ngunit di nila narinig. Nakarinig na lang
sila na may tumitikhim.
"Ahem... handa na raw ang
tanghalian," anunsiyo nito.
Tiningnan lang nila si Erik sabay
talon mula kama at nag-unahan palabas. Nang maalala nila si Erik, binalikan
nila ito at hinila nilang dalawa ito sa magkabilaang braso.
"Ang bagal mo, Erik! Gutom na
kami." Koro nina Dani at Hani na nagmistulang kambal sa paningin ng RNB
hitmaker.


No comments:
Post a Comment