Chapter Five: You Make Me Wanna Act






Danielle's POV


Masaya naman ang pananghalian namin kahit na parang may napupuna kong pagkailang sa pagitan nina Jace at Hani.  Di ko tuloy maiwasang tapunan ng isang malaking question mark ang nakatunganga ring si Erik. Kanina okay lang sila pero ngayon halos di makatingin si Hani kay Jace.

Pansin ko ang paghugot ng tingin ni Jace sa direksiyon ng  bff ko at ang pasimpleng pag-iwas naman ni Hani sa tuwing magtatagpo ang kanilang mga paningin.  Nahihiwagaan na talaga ako. Ano bang nangyayari? Mas lalo pang tumaas ang kuryosidad ko nang makitang maghesitate si Hani sa umupo sa passenger seat.  Halatang reluctant siya dahil humahaba ang nguso.  Wala lang siyang magawa kasi nauna na si Erik sa tabi ko at siya naman ang assigned navigator namin.

Nawala na lang siguro ng pagkailang nang makapunta kami sa Palace in the Sky. Aba ang Erik nagyayang magpaunahan sial ni Jace paakyat. Di hamak na mas matangkad ang hinamon pero nang makita ko ang kinang sa mga mata ni Erik, alam kong may kahalo itong kalokohan.

"'Yun lang pala eh," matabang na bigkas ni Jace at kunwari pang umaktong nagwa-warm up.

"But we have baggage."

Kitang-kita ko ng pagtapon ng senyas ni Erik sa pamamagitan lamang ng mga mata. Ginagamit niya siguro ang technique nila sa teatro. 

Bago pa mabuo ang full impact ng sinabi ni Erik, nadukwang na niya si Hani at mabilis na binuhat kahit pa  nagpoprotesta ang bhesky ko.  Samantalang ako, namilog lang ang aking mga mata at bago ko pa namalayan, nabuhat na ako ni Jace at sumunod na tumakbo. 

Ang kanina'y pagtutol ni Hani ay nahalinhinan ng cheering. "Dali, Erik! Dali! Maaabutan na tayo!"

Napagaya na lng ako ng wala sa oras.

"Jace, naman ang bagal eh! Daliiiii!?"

Nakita kong ngumisi lang ang loko. Malapit na kasi naming maabutan ang dalawa.

Umalingawngaw ang tili ni Hani.  May grupo ng mga Koreano kaming nadaanan. Napanganga ang mga medyo may edad na pero kinikilig naman ang mg kasamahan nilang mga kabataan.  'Yung isang Pinoy nilang kasama nakita kong namukhaan sina Erik at Hani.  Kumuha ito ng camera para kunan ang dalawa. 

Maaabutan na sana namin sina Erik at Hani pero natigilan si Jace, napako lang ang kaniyang paningin sa isang dako.  I followed his gaze and I'm pretty sure na nawalan ng kulay ang mukha ko dahil nakita ko ng isang matangkad na babaeng naka-cream colored pants at moss cream sleeveless top.  Masaya itong nakikipag-usap sa isang foreigner—parang kano, pero hindi ako sure—at pababa sila.  Masasalubong... nasalubong na nina Erik at Hani.

Si Selena.

Nakita ni Selena ang naunang pares.  Binati nito sina Hani at Erik, nakuha pang biruin ang dalawa dahil hanggang sa puntong 'yon hindi pa ibinababa ni Erik si Hani.

Wala man akong guilt dahil alam kong wala na sina Jace at Selena, may boses pa rin within me na nagsasabing kailangan ko nang magpababa kay Jace bago pa mahuli ang lahat.  Sa pinakamahina kong bulong, sinabi ko kay Jace na pwede na niya akong ilapag without trying to sound scared or threatened or kung ano pa man. 

Parang slow motion pa ang naging effect ng paglingon sa amin ni Selena.  Parang naglaho sa background ang kasama niyang foreigner at na-highlight ang kaniyang nasorpresang mukha.  Subalit ang sorpresa ay panandalian lamang.  Masyadong mabilis ang transisyon na kung di lang matalas ang pakiramdam at mata mo, hindi ito kapansin-pansin.  Napalitan ito agad ng pagdilim ng mukha at aura ng isang diva. 

"Jace, you have to put me down," mariin kong wika sa kaniya.  Nao-awkward-an na ako.  Besides, nakita kong ibinaba na rin ni Erik si Hani.

Lalong humigpit ang pagkakapit sa akin ni Jace.  Teka, nasabi ko bang bridal style ang pagbuhat sa amin ni Hani ng dalawalng mokong na ito?  So ngayon, na-imagine niyo na, ha.

Humakbang pa si Jace papunta sa direksiyon ng dating kasintahan.

Naku po... Nakakaamoy ako ng away at kasama ako.  More accurately, naipit ako sa gitna.

Lalagpasan na sana namin eh, kaso bumulong pa si Selena. 

"Ang bilis ko lang pala palitan.  Pero magpapalit ka lang, hindi pa sa di magcocomplement sa 'yo." 

Ramdam ko ang kamandag ng mga salita ni Selena.  Talagang ako ang ininsulto niya at hindi ang dating kasintahan.  Napalitan ng pagkakulo ng dugo ang nararamdaman kong awkwardness kanina. Mukhang nakalimutan ng bruha na may kasama siyang mukhang pamalit niya rin kay Jace.

Inhale... exhale.  Inhale... exhale.  Dapat di mawala ang poise ko kahit na masyado akong nainsulto.

Walang imik na nilampasan ni Jace ang bruha.  Half of me says, "Ouch ha, di man lang ako pinagtanggol."  But the remaining other half says, "Way to go! Hindi pinapatulan ang mga pathetic bitches.  Good riddance talaga!"

Kahit hindi pa kami nakakapagbonding ng husto alam kong tinuturing ko na ring mga kaibigan sina Jace at Erik.  Magaan lang silang dalhin at isa pa, common denominator naming tatlo ang music.

Sana nga may something na lang kina Hani at Jace para hindi na bumalik pa or ma-fall-fall yang si Jace sa obvious na bruhang mangkukulam na si Selena.  (Talagang imbyerna na ako sa babaeng ‘yan!)

Pero kahit na di pinansin, talagang maparaan sa pananakit ng tao si Selena.

"Hey, why don't we all go to dinner," kunwari wala itong ibig-pagkahulugan. Tonong inosenteng paanyaya lamang.

"Jean Paul owns the finest French restaurant here in  Tagaytay.  Right, honey?"  At nag-bat pa ng eyelashes niya ang kamag-anak ni Voldemort.

Nagkatinginan sina Erik at Hani, kapuwang maingat sa pagbibitaw ng kanilang ekspresyon. Ako nama'y napakagat na lang sa aking labi.

"Of course."  Lumingon ang dalawa sa lalaking nagbubuhat pa rin sa akin at mas maliwanag pa sa sikat ng araw tuwing tanghaling tapat ang mensahe ng tinapong tingin sa kaniya ni Hani na nagsasabing, "Are you out of your friggin' mind?"

Ang hindi ko sinasadya, nasambit ng bibig ko ang nasa isip lamang ng best friend ko. Mabuti na lamang at pabulong lang ang aking pagkakasambit.

Narinig ko ang mahinang samyo ng hangin dahil halos ang lahat ng tao sa paligid maging ang ibang nilalang na nabubuhay ay nagpigil ng hininga sa mga sandaling 'yon.  Handa na rin ang puwet kong masaktan sakali mang ibagsak ako ni Jace, subalit mas malala pa sa sakit ang ginawang banayad na pagbaba sa akin ni Jace na animo'y isa akong babasagin at mamahaling bagay.  Nang parehas na nakatuntong na ang aking mga paa sa lupa, kinabig niya ako upang sabay naming harapin si Selena.  Ramdam ko ang pag-akbay niya sa aking balikat, suhestiyon ng isang bagay na hindi ko kailanman papangarapin.

Nanlaki muli ang mga mata ni Selena at halos kasabay noon ang panlilisik.  Bilang babae, alam ko ang ibig sabihin noon. 

It means W-A-R.

So hindi rin pala totoong wala na si Jace para kay Selena.  Too bad for me, then.  Ako ang napiling panangkalan ni Jace at accessory just to get back at his ex.

Ang tanong... PAGHIHIGANTI NGA BA?

Ako namang si tanga, nakisawsaw pa sa kalokohan ni Jace.  I just heard myself saying, "See you then, Selena. Tara na, babe!" At kinabig ko si Jace para samahan na namin ang mga kaibigan naming nalaglag na ang mga panga sa lupa.

Haaaaay, ano ba itong pinaggagagawa ko?

===============================================================

Walang imik ang apat habang papunta sa may pinakataas kung saan may natatanaw silang parang chapel.  Kaniya-kaniya sila ng mga iniisip dahil sa naging eksena just a few moments ago.  Doon nila napiling mag-ikot ikot dahil hindi masyadong matao at mapag-uusapan din nila ang scenario with Selena.

Si Hani ang unang hindi nakatiis.

"Pffft!" bulalas niya, hindi na nagawa pang ikubli ang tinatagong halakhak.

Pagkarinig noon, sumunod na sina Erik at Dani.

"Charot, Dani! ‘Babe’ talaga? Di ka man lang pumili ng mas matamis," saway ni Hani sa kaibigang di halos makatayo sa kakatawa.

"You could never pick a more worthy opponent lalo pa't parang pinagsasabong talaga kayo ng pagkakataon, Danielle." Si Erik ang nagsasalita. Noong una, tumatawa pa ito pero nang sabihin na ang komento niya, biglang sumeryoso na kala mo'y naalala niyang may suot siyang pustisong baka malaglag anumang oras dahil sa kakatawa.

"Oh, Jace may bago ka na palang girlfriend di mo man lang sinabi," baling pa  nitong biro sa nanahimik pa ring si Jace.

Sabay na napalingon ang magbest friend kay Jace na sinalubong din naman ang kanilang tinging mapanuri.  Dahil walang masabi, napa-palm face ito sabay hagod na rin sa medyo mahaba nang buhok.  Pakiramdam niya lalo siyang tumanda.  Hindi niya sinasadyang tanggapin ang tahimik na hamon na iyon ni Selena pero nahulog pa rin siya sa bitag gawa ng alam niyang pinagseselosan nito si Dani.

"Look... I'm sorry, Dani, for dragging you into this.  Di ko lang talaga kayang ma-resist ang temptation kanina," sabi niya sa dalagang nirerespeto niya bilang kaibigan. "You're free to give excuses kung ayaw mong sumama mamaya sa dinner."

Umiling si Dani.  Wala sa bokabularyo niyang atrasan si Selena.  Alam niyang ito ang unang hamon na magmumula rito at kung dito pa lang ay magpapakita na siya ng kahinaan, lalo siya nitong pag-iinitan at manghihina lang siya. 

"Jace, I stick with friends.  Di ako umiiwas sa gulo lalo na kapag inaaway ang mga kaibigan ko.  Ask Hani." Tumango siya sa direksiyon ng kaibigan.

Tumango si Hani bilang pagkumpirma sa sinabi ni Dani, habang pinaikot-ikot ng kaniyang hintuturo ang buhok na nakapony-tail.

"Mali si Selena ng pinag-iinitan.  Matapang yata ang kaibigan ko and you should feel lucky, Jace, that my bhesky here considers you a friend.  Very protective 'yan sa mga friends niya."

"Para ka pa lang Amazona, Dani," singit na biro ni  Erik na nakapagtapatawa ng buong grupo kasama ang babaeng sinabihan lang niya ng alangang komplimentaryo o pang-iinis.

"Amazona your face! Spartan, to!" Dani even showed off her triceps na payat naman.

"Thanks, Dani... para kanina at para mamayang gabi na rin," sambit ni Jace matapos ang tawanan.

"Sus, parang 'yun lang. Ako pa nga dapat magpasalamat kasi makakain ako sa best French resto dito sa Tagaytay.  RIGHT, HONEY?" At talagang  highlighted ang dalawang huling salita bilang pang-uyam kay Selena.

Tumawa ulit sila, this time kasama na si Jace.

"So... since you addressed Jace as 'babe' kanina, bhesky, ready ka na dapat umarteng girlfriend ni Jace. Pucker up, darling."

Nanlaki at halos malaglag ang panga ni Dani sa sinabi ng kaibigan.  Magkaroon nga kaya ng insidente kung saan ipapakita nilang dalawa ni Jace ang uber-landian? Lumitaw ang larawan nilang dalawa na umaaktong naghahalikan sa kaniyang balintataw.  Pakiramdam  niya nangasim ang kaniyang sikmura.

Erase! Erase!

Kung hindi niya nahuli ang sarili siguradong masasambit nanaman niya kung ano lamang ang nasa isipan. Sa puntong 'yon nagdadalawang isip na tuloy si Dani.

"Brielle naman tinakot mo agad si Dani," saway ni Erik.  Napalingong si Hani dito.  Pabiro nga ang sinabi ni Erik pero parang may nahuli ang radar niyang kakaiba.  Napatitig siya rito na para bang sinusukat ang binata.  Hindi masyado halata dahil magaling magdala si Erik pero sa palagay niya, talagang may pagtingin ito kay Danielle.  Oh,my—oh, my, bulong niya sa sarili at nagscan sa vicinity kung may mauupuan.  Parang bibigay ang tuhod niya.

Sa isang tabi na di kalayuan sa kanila, nakita ni Hani ang isang bench kung saan pwede silang maupo.  Dali-dali siyang pumunta rito at naunang maupo, di na hinintay pa ang tatlong nawiwili pa sa paglalakad kahit may mga nakakapansin na kung sino sila. 

"Uy, dalian niyo nga at dapat nating pinagpapalanuhan ‘yang dinner mamaya!" sigaw ni Hani.

Nang makalapit na, tinanong ni Jace kung importante pa raw ba na pagplanuhan ang mamayang gabi, bagay na ikinaskandalo ni Hani sabay isip...

May utak ba talaga ang lalaking ito? Well, it must still be there somewhere.

"Jace, nag-iisip ka ba?" seryoso niyang tanong habang pabagsak na umupo ang binatang kausap sa tabi niya.

Halatang troubled pa rin si Jace dahil panay ang palm-face niya.  Kung katulad lang ng damit na nagugusot ang mukha nito, marahil pagkatalikod pa lang nito kay Selena kusot na ito.

"Itigil mo nga 'yan," saway pa ni Hani na kala ng nakakarinig ay siya ang nakakatandang kapatid ng matangkad na stage actor.

"You sound like Jace's girlfriend, Brielle.  Bakit kaya hindi na lang ikaw ang pumoste kesa kay Dani," puna naman ni Erik.  Sa totoo lang, hindi niya nagustuhan ang ideyang pumasok kay Dani upang pumoste bilang kasintahan ni Jace.  Magsisinungaling siya kung ang sasabihin niyang dahilan ay concerned lamang siya sa paghihiganti ni Selena o dahil sa nag-uumpisa pa lang ng karera si Dani.  Ayaw niya sa ideyang iyon dahil gusto niyang ligawan ang dalaga.

Hinugot ang kaniyang alaala sa araw ng audition, ang unang pagkakataon na nakita niya si Dani.  Mahirap maunawaan pero unang kita pa lang niya sa simpleng kagandahan nito, ay di na niya magawang alisin pa ang kaniyang paningin.  Lalo pa nang kantahin nito ang isa sa mga pinakamagagandang komposisyon sa kasaysayan ng musika at opera.

"Teka lang, Erik.  Kanina ko pa nahahalata... ayaw mo ba ang gimik nina bhesky at Jace?"

Napakamot si Erik ng ulo. Obvious na ba siya masyado?

"Brielle, come to think about it... kakasabak pa lang ni Dani sa mundo natin tapos may issue na agad siya?" Tapos kay Jace. "No offense, pare, pero you and Selena haven't yet declared your break up.  Pag may mga paparazzi na nakaalam about this... di naman kaya papangit ang image ni Dani.  Tapos gagamitin pa yan ni Selena para bumango ang image niya sa lahat."

"May nag-iisip pala sa grupo natin," bulong ni Hani sa sarili pero rinig ito ng buong grupo.

"May point si Erik," sabi ni Dani.

"Nakita ko nga," segunda naman ni Jace.  Tanging si Hani na lang ang di pa tuwirang sumasang-ayon.

"Pero paano ka Jace? At ang dinner mamaya?" biglang tanong ni Dani, at nag-aalala pa para sa kaibigan.

"We'll have to cancel." 'Yun lang ang naiisip ni Jace.  Hanggang sa oras na 'yon di pa rin fully functioning ang utak niya.

"Or we don't have to." Nakuha ni Hani ang atensiyon ng tatlo. "Guys, alam ko ang laro ni Selena.  Sure akong pipilitin niyang mauna magdrama sa press but let me handle this.”

Kanina pa sumindi ang lightbulb ni Hani.  Habang abala ang tatlo sa pagdedesisyon, nakita ni Hani ang lalaking kasama ng grupo ng mga Koreano na kumuha ng kanilang litrato.  Sigurado siyang mayroon itong larawan ng kay Selena at sa foreigner nitong boyfriend.

"Sandali lang, guys..." Sabay takbo nito patungo sa kinaroroonan ng lalaki.  Iniwan niyang napatunganga ang tatlong kaibigan.

Sinundan ng tingin ng tatlo ang tumatakbong si Hani Brielle papunta sa direksiyon ng isang lalaki.  Naalala ni Dani kung sino ito.

"Ba't siya pupunta doon sa guide ng mga Koreano kanina?"

"Guide?" magkasabayang tanong nina Erikat Jace.

"Ahehehe... di ko sure kung guide pero kasama siya noong mga singkit kanina pagpasok natin sa entrance.  Kinuhaan niya tayo ng picture."

"Bakit kakilala ba siya ni Brielle?" tanong ni Erik.

"Di ko sure kasi marami namang kakilala yang BFF kong 'yan."

May kung anong sinasabi si Brielle doon sa lalaki.  Mayamaya pa'y nilabas nito ang kaniyang camera tapos may binusisi ang dalawa.  Gusto na sana itong sundan ni Dani pero nararamdaman niyang may diskarteng ginagawa ang matalik na kaibigan. Di man niya matukoy kung ano ito pero matagal na silang magkakilala kaya nababasa niya ang kilos nito.

"May pagkakahawig naman kayo ni Brielle ng ugali pero looking at that girl, parang punum-puno siya ng buhay," komento ni Erik.

"She used to be different before." Naalala ni Dani kung gaano ito malungkutin at sakitin noong nagkakilala sila noong second year high school.

Transferee si Hani galing sa isang exclusive school for the girls.  Unang kita pa lang niya sa malungkot na pares ng tsokolateng mga mata ni Hani noon, may kung anong pwersang nagtutulak sa kaniyang kaibiganin ito at ipagtanggol sa ano mang sanhi ng pagiging malungkot nito. Siya ang nakipagkaibigan sa tahimik na si Hani.  Akala niya snob ito noon dahil sa kilala ang pamilya nito bilang ubod ng yaman.  Bukod pa rito, pamangkin pa ito ng isang Crystal Permejo. 

Hindi naman siya nag-eeffort na magpapansin dito, effort lang siyang magpalabas ng mga salita mula rito. Kalaunan, naging madaldal na rin ito sa kaniya—pero sa kaniya lang.  Nalaman niyang lagi raw ito sa ospital kaya wala siyang talagang ka-close, at mahiyain dahil nga sa sakitin.

Sariwa pa sa alaala niya na niyakap niya ito at sinabihang wag mag-alala dahil siya na ang tatayong best friend nito.  At ang nakita niyang reaksiyon ni Hani noon ay panghabambuhay na makikintal sa kaniyang isipan sapagkat ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang tunay nitong ngiti.

"What do you mean na iba siya dati?" tanong ni Jace.

"Hindi kayo maniniwala pero una kong kilala kay bhest talagang malungkutin yan at sakitin."

"Totoo nga?" Si Erik ang nagtanong.  Nahihirapan siyang maniwala.

"Yup. Way back in high school sakitin talaga siya.  There was one time pa nga na naospital yan sa Amerika.  Of course di ako nakapunta noon."

"Hmmmm... si Bree lang ang kaisa-isang pamangkin ni Ms. Crystal, right?" tanong naman ni Jace.

"Correct," sang-ayon ni Dani. Lagi-lagi itong sinasabi ni Hani kaya paanong di niya maasasaulo?

"Naalala ko noong baguhan ako.  Nasa gitna kami ng meeting nang may nareceive na call si Ms. C.  Dali-dali siyang nag-excuse.  Emergency daw at ang pamangkin niya ang dahilan."

Halos mamesmerize sila animo’y batang nagtatatalon na si Hani. Di nila mawari kung bakit ito tumatalon, pagkatapos noon, nakuha pang makipag-selfie sa "guide" ng mga koreano, nagpaalam at tumakbo na rin pabalik sa kanila. 

"We're in for tonight. Hindi tayo magka-cancel ng dinner with you ex, Jace," pagdedeklara ni Hani na di man lang humahangos matapos magsprint.

"Bakit?" koro naman ng tatlo.

"Because, I said so.  Tara na at may emergency shopping tayo." Lumakad palayo si Hani, kinuha mula sa maliit niyang bag ang cellphone at may kung anong pinagpipipindot doon.

Kung talagang nalalaglag nga lang talaga ang panga, marahil kanina pa nawala mula sa pagkakadugtong ang mga panga nina Jace, Erik at Dani.  Wala silang naintindihan sa nangyari at ang naabsorb lang ng utak nila ay ang likod ni Hani Brielle.

Si Jace ang naunang nakarecover at nag-jog hanggang marating ang tabi ni Hani. Sumunod na rin sina Erik at Dani na nagkatinginan pa bago nagkibit-balikat at nag-umpisa na ring maglakad.

"Di na ako magugulat kung mahuhulog 'yang si Jace kay Brielle." Parang wala lang kay Erik ang mga katagang binitiwan dahil obserbasyon lang naman niya talaga ito, pero may impact pala ito sa kaniyang katabi.

Pumihit ng tingin si Dani sa binata.  Nagulat siya sa komento nito at napaisip kung tama kaya ang nakikita niyang chemistry sa pagitan ng kaniyang best friend at ng mestizong aktor.

"Sa tingin mo, dapat bang ako ang pumosteng gf?"

Ang tugon lang ni Erik ay isang matamang tingin at agad din itong binawi.

"Your look just told me how a complete idiot I am." natatawang wika ni Dani.

"Since sinabi mo na 'yan, might as well reconsider.  Malay mo, may pag-asa pala sila."

Walang naitugon si Dani kundi isang malalim na buntong-hininga.



No comments:

Post a Comment