Chapter One: Lonely Symphony







Daniella’s POV



Apat na oras na ata akong upo-tayo dito sa pila ng mga mago-audition para sa Crystal Prowess.  May musical silang ipo-produce kaya naghahanap ng mga gaganap.

Nakikita ko ang mga kasabayan ko.  Lahat sila ay naka-costume at highest level ang make-up! Ako, eto ang dala ko... ang sarili ko lang.  O dala ko nga ba talaga? Eh, napilitan lang ako.  Kung bakit ba naman kasi ang binest friend ko pa ay si Hani Brielle Tejada? Since first year high school siya na ang BFF ko at kahit sumikat pa siya bilang artista, hindi nagbago ‘yon. Sa totoo lang, hindi ko pa rin maintindihan hanggang sa ngayon ko paano kami nag-click ng best friend kong ‘yan.  

Tahimik lang ako, maingay siya.   Simple lang ako, may pagka-maarte naman siya. Mysterious type ako, bright as the sunshine ang aura niya.  Ballad at classic ang taste ko sa music, feel niya ang pop at rock.  Nagbe-blend ako sa background, at pansinin naman siya. Oo, given na may pagka-kulit ako pero iba ang level ng pagiging krung-krung ni Hani!  Pero siguro nga... ang pagkakaiba namin ang pumupuno sa kakulangan ng aming mga personalidad.  Katulad ngayon...

Kung ako lang, wala akong guts to do this audition. We’re talking about Crystal Prowess here.  Kapag Crystal Prowess, automatic na mukha ng diyosang si Crystal Permejo ang nakikintal sa mind’s view ng sino mang nakakarinig ng pangalan ng Top 1 Talent Agency na nagpoproduce din ng iba’t ibang musical productions sa Pilipinas.  Beauty, brains, guts, class, elegance, glory and everything.  Kinarir na talaga ng tita ng aking best friend ang lahat ng positibong katangian na maibibigay ni Lord.

“Danielle Mendez!”

Eto na... nararamdaman ko ang paggapang ng lamig sa buo kong katawan.  Hindi ko maiwasang lumingon muna bago tuluyang pumasok.  Anak ng repolyo! Hindi man lang talaga ako sinipot ng magaling kong best friend! Pero kung sa bagay, mahirap para sa  kaniya ang makipagsiksikan sa ganito karaming tao nang hindi man lang siya nakikilala kahit magsalamin at maglugay ng buhok. Very defined ang features niya kaya agad siyang makikilala.

Bumuntong-hininga muna ako bago tuluyang pumasok.  Tuloy-tuloy ako sa gitna ng mini-stage nang hindi tumitingin muna sa panel of judges.  Nang makapagbuntong-hiniga muli sa ikalawang pagkakataon, pinilit kong itayo ang buo kong tangkad na 5’2” at tuluyang itinuon ang aking focus sa mga judges.

“Oh em gee!” mahina kong bulong sa sarili.  Naroon ang pinakamabibigat na artist ng Crystal Prowess—sina Erik Veroza, Selena Romano, Jace at siyempre... ang diosa herself, Ms. Crystal Permejo.  Gusto kong himatayin. Hindi sinabi ng mabuti kong BFF na ganito katindi ang panel of judges. And speaking of the little she-devil, naroon ito sa likod mismo ng kaniyang tita Crystal at masayang kumakaway.

Ano ba itong pinasok ko, Lord? Ang gusto ko lang naman ay pagbigyan ang bruhang nasa likod ni Ms. Crystal at siyempre ang tuparin din ang sarili kong mga pangarap.  Pero bakit ganito? Bakit naman mga pating agad? Bakit po?

===============================================================

Nakita ni Hani kung paano magpalit-palit ng kulay ng mukha ng kaniyang kaibigan.  Lihim siyang napahagikhik.  Alam niya ang tumatakbo sa isip nito ngayon at halos naririnig niya ang pag-aalimura nito sa kaniya.  Sinadya talaga niyang hindi sabihin kung sino ang mga uupong judges.  She led Dani into the unknown dahil alam niyang mababahag nanaman ang buntot nito.  At kung mababahag ang buntot nito, hindi nito ita-try ang mag-audition.  Hindi nito mahaharap ang kaniyang destiny and stardom.  Hindi ito magiging busy. Hindi ito kikilos katulad ng ginawa nito sa buong taon simula nang umalis papuntang Canada ang bruhong si Jade.

Jade. Isang mapait na apdo ito sa panlasa niya. Kung hindi dahil sa makasarili nitong desisyon, hindi sana nagtago sa mundo ang kaniyang BFF. Pero mabuti na rin ‘yon dahil malakas ang kutob niya—siya na si Hani Brielle Tejada—na  sisikat ang kaniyang kaibigan sa larangan ng musika.

Sure siya na sa oras na kapag nakapasok ng Crystal Prowess si Dani, lalawak ang mundo nito at marami itong makikilalang tao.  Lumingon siya sa bandang kaliwa ng kaniyang tita at naroon si Erik, ang pop icon. Sa kanan naman ay si Jace na siyang kilalang musical artist at ang katabi nitong si Selena Romano.  Bigatin ang mga ito.  And kung papalarin ang kaniyang best friend, she’ll be working with them... SOON.

Alam ni Hani na mabigat ang role na pinag-o-auditionan ni Dani pero sikreto na rin iyon.  Napangisi siyang muli.

“Okay, Ms. Mendez, you can start your piece now.” Si Jace ang nagsalita. 

Walang ibinigay na CD si Dani.  Pinili niya ang walang accompaniment na  kahit ano, at ito rin ang binulong na tip sa kaniya ni Hani.  Gusto niyang ibigay ang makakaya niya sa piece na ito, hindi lamang dahil sa gusto niyang mapili o nakakarelate siya sa  lyrics kundi this piece deserves the best.

“Night time sharpens, heightens each sensation
Darkness stirs and wakes imagination
Silently the senses abandon their defenses..."

Nakuha ni Dani ang atensiyon ng mga judges.  Kung kanina’y naglalaro si Jace ng kaniyang ballpen, nakita niyang bigla itong huminto at tumitig sa kaniya.  Napalakas nito ang loob niya.  Hindi niya namalayang nadala na pala siya nang tuluyan. Nawala ang mga hurado at tuloy-tuloy ang kaniyang pakikipag-isa sa awit. Naririnig ng kaniyang tenga ang saliw ng di mabilang na instrumento at nangingibabaw ang grupo ng mga biyulin.

Slowly, gently night unfolds its splendor
Grasp it, sense it, tremulous and tender
Turn your face away from the garish light of day
Turn your thoughts away from cold unfeeling light
And listen to the music of the night..."

Tuluyang nawala siya sa entablado at dinala siya ng musika at ng mensahe nito sa lugar kung nasaan ang nakatira ang Phantom of the Opera .  Halos naaamoy niya ang lugar na iyon at ang kadiliman na naliliwanagan lamang ng daan-daang ilaw ng mga kandila.

“Close your eyes, start a journey to a strange new world
Leave all thoughts of the life you knew before
Let your soul take you where you long to be
Only then can you belong to me..."

Nasa harap niya ang tinaguriang multo ng opera house at nagiging tuluyang siya si Christine Daae. At ang senswalidad ng melodiya at ng mga linya lamang ang nararamdaman ng kaniyang kaluluwa. 

“You alone can make my song take flight
Help me make the music of the night...”

Unti-unti nawala ang lugar kung saan nagtatago ang Phantom. Dahan-dahan nakabalik siya sa entablado kung saan talaga siya naroon.  Napakatahimik ng lahat at nakita niya ang mga luhang bumabalon sa mga mata ni Crystal Permejo.  Muntikan na niya makalimutang kumanta pala siya.  Buti na lang at sinagip siya ng maingay na si Hani.

“Waaaaah! Brava! Brava!” sigaw nito at kung todo pa ang palakpak.

Doon lang napatayo ang lahat at binigyan siya ng isang standing ovation. Hindi maiwasang maramdaman niyang para siyang nasa American Idol dahil sa nangyari. 

“Hija, saan ka natutong kumanta ng ganyan?” Si Ms. Crystal ang nagtatanong.

“I took voice lessons.  I just stopped attending my lessons a year ago, miss.” Mentally, idinugtong niya na simula iwan siya ni Jade, itinigil na niya ang mabuhay ng normal.

“One year? With a voice like that? I mean, anong dahilan bakit ka umalis?”

“Personal reasons, Ms. Crystal...” She can sense the bitter gall rising up to her throat pero nilunok niya iyon dahil gusto niyang sagutin ng tama at buong tapang ang tanong ng star-maker na nasa harapan niya ngayon.

“I was depressed.”

Napataas ng kilay si Selena samantalang walang ekspresyon pa rin ang dalawang lalaki.  Matamang nakikinig lamang ang mga ito.

“Well, kung ano man ang dahilan, Danielle, alam kong isa lang ang naging epekto nito.  It fed your soul. Para makanta ang piece na pinili mo and to deliver it in a way almost akin to the professional sopranos, you’re a masterpiece yourself. Until now hindi ko maintindihan kung bakit walang nakadiscover sa ‘yo.”

Hindi makapaniwala si Dani sa mga sinasabi ni Crystal.  Alam ng utak niyang maganda ang sinasabi nito pero hindi pa rin niya nare-realize ang impact ng bawat salita nito.  Ang nakikita lang niya ay ang nagtatalon niyang best friend sa likod ng tita nito.

Binaling ni Crystal ang atensiyon sa mga kasamahang hurado.  “So what do you think guys? Narito na siya... ang hinahanap nating Sierra.  She’ll do great for the role.”

Doon lang nagsitanguan ang iba pang hurado.  Medyo malabo ang mga nangyayari at parang slow motion pa sa pelikula pero nakukuha naman ni Dani na tanggap siya para sa role.

“Congratulations, Danielle, you’re in for Sierra’s role.”

At doon lang tumakbo pataas ng stage si Hani.  Niyakap niya ang tulala pang si Danielle. Kasunod ni Hani ay ang tita niya at kabuntot naman nito ang pop star na si Erik.  The next thing Danielle knew, niyakap siya ni Crystal at kinamayan naman ni Erik.  Para siyang nananaginip.

Isinara na ang audition sa araw na iyon.  Ilang araw ang lumipas at opisyal na idineklara sa isang press conference ang kumpletong line-up ng cast of characters para sa bagong musical na ipoproduce ng Crystal. Kasama rito ang pinakilalang most promising na new-comer na si Danielle Mendez.

Nakita pa ni Danielle ang kaniyang sarili na pangunahing topiko ng entertainment news anchor sa prime time news.

“Ipinangako ng kilalang Star-maker na si Cyrstal Permejo na magiging power house ang musical na kaniyang ipo-produce na pinamagatang, Lonely Symphony.’ Tampok ang mga pinakamaningning na bituin na sina Jace at Selena Romano bilang mga bidang sina Roma at Chantal.  Gaganap naman sa supporting role na Sierra ang pinakabagong miyembro ng Crystal Prowess na si Danielle Mendez. 

Pagkasabi ng kaniyang pangalan, flinash sa screen ang kaniyang mukha na kasama si Crystal at ang best friend niyang si Hani.

“Sa presscon ng nasabing musical nagbitiw ang star-maker ng mga salitang hindi kailanman narinig ng publiko na binitiwan niya.” At pinakita ang video ng nagsasalitang si Ms. Crystal Permejo.

‘Dani is a phenomenal soprano.  Until now, misteryo pa rin sa akin na walang nakadiskubre sa batang ito. Well... it’s their loss and not mine.’” Tumatawa ito at nakikita ang mala-bituing pagningning ng kaniyang mga mata.

Hanggang sa mga oras na ‘yon, hindi pa rin makapaniwala si Dani.  In a span of ilang araw lang, nainterview siya ng media at nag-umpisang magrehearse kasama ng mga dati ay nakikita lang niyang mga bituin.  It’s a dream come true, at nagpapasalamat siya lalo dahil nahuli niya ang sariling hindi na gaano pa naiiisip ang kahit ano patungkol sa dating nobyo.

Narinig niya ang ringtone ng kaniyang phone na eksklusibo lamang para kay Hani.  Alam niyang mabibingi nanaman siya sa tili nito pero nangiti lang siya dahil alam niyang excited ito para sa kaniya.  Pinindot niya ang screen para tanggapin ang call nito at napangiwi siya sa sobrang tining ng boses nito. Hindi nga siya nagkamali.

“Bheeeest! Napanood mo ba? Is your TV on? Dali!” Walang espasyo ng paghinga ang mga pinakawalang tanong at mando ni Hani.  So typical of her.

“Opo.  Napapanood ko na po.”

“Anong feeling mo? Noong una akong in-interview, grabe ang pagpapawis ng palad ko.  Naalala mo pa ba ‘yun?”

“Sino ba namang makakalimot kung ilang libo mo nang inulit ‘yun, bhest? Kahit siguro pag tanda ko’t may Alzheimer na ako, ‘yung yugto ng buhay mo na ‘yun ang maaalala ko.” 

“Ang OA mo naman, bhest,” saway nito. 

Oo nga pala, sa sobrang sunshiney nitong kaibigan niya ayaw nitong makakarinig ng anything about tragedy.  Sure siyang pahirapan nanaman ito para imbitahin niyang manood ng opening ng kanilang Lonely Symphony. Paano, malungkot ang love story na ‘yon.

Sa personal na opinyon ni Dani, under typical circumstances, hindi papapatok ang malungkot na istorya nina Chantal at Roma sa mga Pinoy.  Katulad ni Hani, mahilig sa mga happily ever after ang mga kababayan nila. Pero iba naman ito.  Ang Lonely Symphony ay manggagaling sa tinatawag niyang Crystal touch, hango sa figure of speech na midas touch.

Papaano, kahit anong pasukan o trabahuin ng tita ni Hani siguradong nagiging successful.  Dreamer and doer si Ms. C.  With her bigger than life personality, nabago niya ang imahe ng local show business ng Pilipinas.  Yumabong ito at nagboom, kalibre na nila ang Korea at Japan sa entertainment industry.  Maliban doon, ibinalik ng isang Crystal Permejo ang buhay ng entablado.  Nagkakaroon ng respetadong teatro ang kanilang bansa.  For short, napakalaki na sakop ng span ni Ms. C sa mundo ng pagtatanghal—entablado, pelikula, musika at marami pang iba.  Isa itong buhay na alamat at national artist. 

“...nakikinig ka ba, bhest?” Ang dulo na lang ng tanong ang narinig ni Dani dahil sa pag-iisip tungkol kay Ms. C (talagang binigyan na niya ito ng code).

“Ano ulit ang sinasabi mo?”

“SINO nanaman kasi yang iniisip mo?” Akala nanaman ni Hani iniisip nanaman ng kaniyang matalik na kaibigan ang dati nitong boyfriend. 

“Tita mo. Teka, Hani Brielle Tejada... magkaliwanagan nga tayo.  Sigurado ka bang hindi mo kinulit ang tita mo para lang tanggapin ako sa musical na ‘yan?” Until now naghihinala siya sa kaibigan.

Mataas ang tono ng sagot ni Hani. “Tingnan mo tong bruhang ‘to.  Until now walang bilib sa sarili.  Alam mo ikaw, Daniella, bingi ka ‘no? Hindi mo ba naririnig ang sarili mong boses?”

“Naririnig.”

“Eh, bakit akala mo sinulsulan ko si tita para lang makapasok ka doon?”

“Eh kasi... alam ko namang favorite kang pamangkin ni Ms. C.”

“Hep-hep! Let me correct you.  I’m her ONLY pamangkin.  Anong favorite-favorite?” Kung sa bagay, isip pa rin ni Hani, kahit siya lang ang pamangkin ng tita Crystal niya, obvious naman na kung ituring siya nito ay unica hija rin.  Something na imbis makita niya as an asset, ay tinuturing niyang liability.  Walang oras na hindi siya nito kinukulit na sumali bilang aktres sa entablado under Opus Theater, ang teatro ng kaniyang tita.

“Basta, I know that you have her ears.”

Kahit na madalas din si Dani sa bahay nina Hani minsan lang niya nakita roon si Ms. C. Pasko ata noon at sumandali lang naman ang super busy na star-maker. 

“Promise! Wala akong sinabi kay tita maliban sa may best friend akong kasali sa audition.  Wala nga siyang cue noong una na ikaw pala ‘yon eh.  Basta doon lang ako naghihintay sa likod. Tapos.  Di ba ilang beses ko na inulit ‘yan?” Himig nagtatampo na ang boses ni Hani, but Dani knew her better.  Dramatic talaga lang ang best friend niya.

“Okay sige. Maniniwala na ako,” pasuko niyang sabi.

“Dapat lang. Anyway, dear BFF. Tita is expecting you for dinner tomorrow night. Naroon din ang core cast ng Lonely Symphony kaya dress to kill ka dapat.”

“What?!” Nilukuban bigla ng kaba si Dani.  Minsan niyang nakasama sa luncheon ang mga ito, after ng presscon actually at halos di siya makakain dahil laging nakangiti sa kaniya si Ms. C at Erik. Samantala, cold naman ang pakikitungo sa kaniya ni Jace at si Selena naman, kahit nakangiti ay parang plastic lang sa kaniya.

“Eh, bhest, kasama ka ba?”

“Hmmmmm... dapat hindi eh. Pero dahil sa very supportive ako, sige na nga sasamahan kita.”

“Eh, wala ka bang schedule? Alam mo na taping mo pa rin ng Little Bride di ba?”  Alanganin siyang humingi ng favor sa kaibigan dahil busy ito sa taping ng pelikula. 

“Sus! Madali lang ‘yun.  Magpapaalam ako kay Direk Lois tutal halos tapos na ang part ko.” Ekstra ang saya ng boses ni Hani dahil sa wakas, medyo luluwag na ang kaniyang schedule.  More time with her BFF!

“Thanks, bhest ha. Lagi mo na lang ako inaalalayan.”

Narinig ni Dani ang matitining na halakhak ni Hani sa kabilang linya sabay ang sagot na “I know right.”  Ganoon sila.  Minsan mush, minsan oozing in sarcasm. Minsan dreamer, minsan bitter. Kahit ganoon pa man, nananatili ang tatag ng kanilang pagkakaibigan.  Madalas din naman sila magkatampuhan tulad ng ibang magkakaibigan, pero si Hani (kadalasan si Hani) sinisigurado na by the end of the day, okay sila.

“Oh, basta ha... bukas ng umaga shopping galore tayo. Sige na ba-bye na bhesky! Naglalaro pa ako ng Red Alert eh. See yah tomorrow. Muwah!”

Gusto pa sana idugtong ni Dani ang:

“Laro nanaman? Kailan ka ba magB-BF para naman may love life ka na?”

Pero naitanong niya na lang ito sa kaniyang HTC Desire One.  Napabuntong-hininga siya.  Love life. Di ba maski siya wala ring love life? Isang taon na rin na hinihintay niya ang pagbabalik ni Jade.  Isang taon na nagdarasal at umaasa na bumalik ang lalaking pinakamamahal niya.  Pero wala.

Siguro it’s time to let you go, Jade.




No comments:

Post a Comment